Jennie POV
"Sino kaba talaga?"
"A-Ako si, Jen-Deuk."
"Kung gayon, ay bakit mo tinatangging ikaw si Jen-Deuk?"
"I-It's a Prank, hehehe! Joke lang ganun."
Kumunot naman ang noo nito sa akin na parang hindi ako naintindihan.
"I-Ibig kong sabihin, nagbibiro lang ako nung mga araw na yun."
"Ganun ba?"
Tumango na lang ako at itinikom na lang ang bibig.
"O'sya! Maniniwala ako sayo. Mauna nako, kamahalan."
Tanging pagtango na lang ang naisagot ko.
Hayyy, kinabahan ako don. May dala pa naman siyang espada, pag nalaman niyang hindi ako ang inaanak niya baka bigla na lang niya kong saksakin.
"Ayos lang po ba kayo, kamahalan?" tanong ng isa sa mga servant na sumunod sakin.
"Ayos lang ako. Doon naman tayo!" sabay turo ko sa ibang lugar.
Baka kasi nakakaistorbo ako sa lovers na nandun, kaya lumipat kami ng ibang lugar. Habang tinitingnan ko ang paligid ay parang nararamdaman ng presensya kong may ibang tao ang nakatingin sa akin.
Napalingon ako ngunit wala naman, tumingin ako sa ibang dako at may napansin akong pigura ng isang lalaking tumalikod at naglakad palayo.
"Dito muna kayo." sabi ko sa mga servants.
Nagmadali ako ng lakad upang masundan ang lalaking iyon.
"Nasan na yun?"
"May hinahanap ka ba, kamaha--?" hindi niya natapos ang pagsasalita niya dahil sa gulat ko.
"Ayy, palaka!" gulat ko at nakahingang malalim ng makilala kung sino ito, ang butler lang pala.
"Bakit nandito ka, kamahalan? Delikado kung mag-isa ka lang, ikaw ang Reyna kaya dapat inaalagaan niyo po ang inyong sarili."
Kung magsalita naman 'to, parang tatay ko.
"Tatay ka ba kita ha? Ako ang Reyna kaya gagawin ko kung ano man ang gusto kong gawin."
Teka nga lang? Saan galing ang mga salitang yon? Hindi ako yon! Hindi galing sakin ang kung ano mang sinabi ko.
"Matalas pa din ang dila ng mahal na Reyna." sabi nito.
"T-Teka, nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako ang nagsalita. A-Ako nga ang nagsalita pero hindi sakin galing mga sinabi ko."
Nangiwi ang butler sabay kunot ng noo.
"Hindi ko mawari ang ibig mong sabihin, kamahalan."
Baka naman si Jen-Deuk yun? Nandito pa din kaya siya sa katawan niya?
"Aalis nako, mahal na Reyna at baka hinahanap nako ng mahal na Hari." sabi ng butler.
Naiwan akong tulala at iniisip ang tungkol kay Jen-Deuk. Nung nakabalik ako, sumama kaya siya sakin? Kasi bakit nawalan ng pulso ang katawan niya? Ewan ko na! Ang sakit na ng ulo.
- - -
"Kamahalan, saan po kayo galing kanina? Hinahanap ko po kayo, tinignan ko na din dito sa inyong silid ngunit wala ka naman rito kanina."
"Akalain mo yun, hinahanap din kita kanina."
Nakita kong pa-simpleng ngumiti si Hye-Na.
"Nakakahiya naman po, kamahalan. Hinahanap niyo din po pala ako. Oo nga po pala kamahalan, may nag-iwan po ng regalo sa inyo."
"Sino naman?"
"Wala pong sinabing pangalan, ibinigay lang po sa akin ito ng isa sa mga nagsisilbi sa inyo, kamahalan."
Iniabot sa akin ni Hye-Na ang isang kahon.
Ano kaya ang laman nito? Inalog-alog ko muna bago buksan ang kahon.
"Ano po yan, kamahalan?"
"Papel na nakabalot sa bato?" kailan pa naging regalo 'to?
"Para pong may nakasulat." sabi ni Hye-Na.
Dahan-dahan kong binuksan ang papel.
"Ano pong nakasulat, kamahalan?"
Kinilabutan ako na may halong gulat nang mabasa ang nakasulat rito.
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved