Part 7

49 1 0
                                    

Jennie POV

Madilim... Nakakatakot...

Hindi ako makahinga...

Parang may nakadagan sa mukha ko na kung ano, ngunit malambot ito.

Napasingap ako ng gising. Nakahinga ako ng maluwag dahil buti na lang ay panaginip lang. Akala ko talaga katapusan ko na.

"Anong oras naba? Bakit parang madilim pa din?"

Binuksan ko ang pinto, sinilip ko mula rito ang labas ng kwarto ko.

"Nasan na yung mga tao rito?"

Hindi na rin naman ako makatulog kaya lumabas na lang ako ng bulwagan.

Wala akong ibang ginawa kundi maglakad lakad lang sa paligid habang nilalanghap ang sariwang hangin. Bigla ko tuloy naalala yung panaginip ko kung saan hindi ako makahinga.

Nang makarating ako sa may lawa ay may natanaw akong isang lalaking nakaupo sa damuhan, katabi nito ang isang puno. Sumingkit ang mga mata ko at inaninag ang lalaking iyon.

Hindi ko masyadong makilala ang mukha nito kaya lumapit pa ko.

"Si V lang pala."

Akala ko naman kung sino na.

"Natutulog ba siya?" nakita ko kasi siyang nakapikit.

Yumuko ako ng bahagya para lumapit sa mukha niya at kinawayan ito.

"Tulog ba 'to? Bakit dito siya natulog?"

Sa huling kaway ko sa mukha nito ay nakita kong nakadilat na ang mga mata niya.

"G-Gising ka pala, V. Aalis na ko."

Paalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko sabay hinigit ito, di ko naman naiwasang matumba pero sinalo niya ko. Ngayon ay nakahiga ang ulo ko sa isang bisig niya habang ang isang kamay niya ay nakayakap sa akin.

Nagtagpo na naman ang mga mata namin pero sa pagkakataong ito, iba na ang kinakalabasan ng puso ko.

"Ikaw lang talaga ang tumatawag sa akin sa ganoong pangalan. Ano ba ang ibig sabihin ng V?"

"Tagumpay." tinagalog ko na lang baka kasi hindi niya maintindihan pag sinabi kong Victory.

"Tagumpay? Hindi ba't ikaw din?"

"Ako?"

"Nag-tagumpay kang mabihag ang puso ng isang Haring nagngangalang Joon-Hyung." mahinahong wika nito ngunit may halong pang-aakit sa tono.

"Joon-Hyung? Sino si Joon-Hyung?" takang tanong ko.

"Mapagbiro ka talaga, aking Reyna."

"Hindi nga? Sino nga yun?"

Naglaho ang ngiti nito. Ibinangon niya naman ako at iniwasan ako ng tingin.

"Sino nga si Joon-Hyung?" muling tanong ko pero tinalikuran niya lang ako.

"Sino ba siya? Saang kaharian naman siya galing? Gwapo ba siya?" kinulit ko pa ito ng mga tanong pero nabigla ako nang hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi ng biglaan.

"Kalimutan mo na lahat, wag lang ako, aking Reyna." sabi nito pagkatapos akong halikan.

Hindi ako makapaniwalang ang first kiss ko ay mangyayari sa panahong ito, mula sa isang taong nakilala ko sa taong 1849.

"Nais mo bang sumakay tayo ng bangka, aking Reyna?"

"Huh?" nabalik ako sa ulirat nang magtanong ito.

Hinawakan niya na lang ang kamay ko at dinala ako sa bangka. Inalalayan niya muna akong sumakay sa bangka. Nakarating kami sa gitna ng lawa dahil si V ang nag-sagwan.

"Napakaganda talagang pagmasdan ang buwan mula rito." sabi ni V na nakatingin naman sa akin.

"Pero sa akin ka nakatingin, at hindi sa kalangitan."

"Bakit ko pa kailangang tumingin sa kalangitan, kung nasa harapan ko na ang pinakamagandang buwan."

Bakit ba ganiyan siya magsalita? Lahat na lang ng sinasabi niya, nagpapakaba sakin. Ang pangit ng kinakalabasan ng puso ko. Hoy, Jen-Deuk! Kung inlove ka sa Hari na 'to, huwag mo nakong idamay!

"Wag mo na nga kong tingnan!" pagsaway ko rito pero hindi siya nagpatinag, nakatingin pa din siya.

"Sabing wag mo nakong tingnan!"

"At ano naman ang gagawin ng aking mahal na Reyna kung ayoko?"

"Hindi ako nakikipagbiruan. Kung titingnan mo ulit ako ng ganiyan, h-hahalikan kita!"

Akala ko matatakot siya at maiilang pero lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Sa lahat ng banta, ang sa iyo lamang ang aking pinakanais, mahal kong Reyna."

Napalunok ako ng unti unti itong lumapit.

Napalunok ako ng unti unti itong lumapit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon