Help! May tao ba diyan? Nandito ako!" Sigaw ko. Nakulong ako sa loob ng isang room. Naririnig ko ang mga sigawan sa labas at ang malakas na tunog ng fire alarm. May sunog sa building pero heto ako hindi makalabas.
"Tulong!!! Parang awa nyo, nandito ako," paulit-ulit kong sigaw. Sana ay may makarinig sa akin. Ayaw ko pang mamatay. May gusto pa akong patunayan sa pamilya ko. Hindi pwede ito. Ngayon pa na kaya ko ng ipaglaban si Lance. Na nagmamahalan na kaming dalawa.
Pero ano ito, bakit ako biglang nandito? Wala akong maalalang nangyari.
Nasaan ba ako. Ang alam koy nasa isang room ako ng isang building. Pero hindi ko alam kung saan at kung paano ako napunta dito.
Pumasok na sa room ang usok galing sa labas. Nahihirapan akong makahinga. Ito naba ang katapusan ko? Bata pa ako! Marami pa akong gustong gawin. Unti-unting nanghina ang katawan ko kasabay ng pagbagsak nito ay ang hindi pagtigil ng pag-iyak ko. Takot na takot ako.
Malabo na ang paningin ko. Pawang kunting aninag nalang ang nakikita.
Pinilit kong gumapang papunta sa bintana. Gusto kong buksan ito ngunit wala akong lakas para gawin iyon. Hindi ko na talaga kaya. Nanghihina na ako at subrang init ng paligid kasabay ng pagbuga ng usok.
Unti-unting pumipikit ang mga mata ko. Ito na talaga ang katapusan ko. Mamamatay na ako dito.
"Xander! Gising! Huwag kang pipikit." Isang tinig ang pumukaw saakin. Tinapik nito ang pisngi ko at hinawakan ang aking kamay. Idinilat ko yung mga mata ko upang makita kung sino ito ngunit malabo ang aking naaaninag. Unti-unti niya akong itinayo at inalalayan. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Mabilis iyon at halatang kinakapos na ito sa hangin.
Nakahawak ang kamay ko sa maliit nitong balikat. Tumakbo kami ng maaaninag ang liwanag galing sa labas.
Pagkalabas namin sa silaw ng liwanag. Biglang huminto ang maingay na paligid. Wala akong nakikita na kung ano kundi ang kulay puti na paligid. Lumingon ako sa lalakeng tumulong sa akin kanina. Maliit na lalakeng nakamaskara na kulay asul ang nakatingin sa akin.
Unti-unting naging kulay pula ang paligid. May umaagos na dugo sa bawat sulok. Nanlaki ang mata ko ng hanggang tuhod na ang umaagos na dugo. Nakakatakot!
Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko na. At napaatras ng nakatutok ang kanyang baril sa akin.
"S-Sino ka?" Tanong ko. Unti-unti siyang lumalapit sa akin habang ako ay umaatras. Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatutok ang baril sa akin.
Habang umaatras ay unti-unti akong nilulunod ng dugo na mabilis na pinupuno ang loob ng kwarto kung saan ako ngayon. Ang kulay pula na dugo ay naging kulay itim. Ramdam ko ang takot sa bawat paglapit ng lalakeng gusto akong patayin.
"Sino ka?" Tanong ko ulit.
Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa wala na akong ma atrasan pa. May nakaharang na malaking pader. Hindi na ako makawala pa. Wala na talaga.
Dahan-dahan niyang tinatanggal ang kanyang asul na maskara. Ipapakita ba niya ang kanyang totoong pagkatao. Sino kaba? Bakit mo ako papatayin kung tinulungan mo ako kanina?
Pero kahit na ganoon ay parang may kakaiba sa lalakeng ito. Hindi ko alam kung bakit mayroon sa akin na parang kilala ko siya. Ang hubog ng kanyang katawan at ang kanyang mga mata. Napakapamilyar.
Author: Maiksi lang itong prologue but I'll try to make the chapters long as possible.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...