11

12 2 4
                                    

Don't call me baby!

*Brentley*


"What's your course?" Tanong ko kay Kairon habang papasok kami sa national bookstore. Pagkatapos naming kumain ay pumunta agad kami dito sa mall kasi may bibilhin daw sila kaya sumama na ako. Balak ko naman talaga iyon simula pa lang, ang sumama sa kanila.

Sayang din naman ang pagkakataon na makilala pa ang magandang lalakeng ito. Nakasunod lang ako kay Kairon. Hindi niya sinagot iyong tanong ko. At hindi rin niya ako pinansin. Ano ba naman ito! Napakasungit. E, gusto ko lang namang maging kaibigan siya. Ay mali! Ka-ibigan kamo.

Basta hindi ko alam kung bakit interesado ako sa kanya. There's something in me na gusto ko siyang maging akin. Na wala ng makakapantay sa kanya, kahit pa mga babae pa iyan. Aaminin ko noong unang pagkakataon na nakita siya, hindi ko pa kayang tanggapin itong nararamdaman ko. Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Napag isip-isip ako at kinaumagahan ay buo na ang loob ko na gusto ko talaga siya. Hindi ko pa naramdaman iyon sa lahat ng babaeng nakalandian ko. Sa kanya lang! At hindi siya babae, he's a boy. A pretty boy that captured my heart and my soul.

Alam kong maraming taong huhusgahan ako. Pero wala akong pakealam sa kanila. Yes, I am a  bisexual! But it doesn't make me less. Being myself isn't a choice at masaya ako na nakita ko na ang sarili ko ngayon.

"Hey, bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong ko ulit sa kanya. Pero parang wala parin itong narinig. Nagpatuloy lang siyang nagtingin tingin ng mga art materials. Maya-maya pa ay lumingon ito sa akin. Akala ko kakausapin na niya ako pero nilagpasan lang pala. Pambihira naman oh!

Sinundan ko naman siya na ngayon ay nasa counter na. Inilapag niya iyong kinuha niya kanina. Mga papel o parang canvas at paints na may iba't ibang kulay iyon.

"So, fine arts student ka pala..." Ngiting sabi ko sa kanya. Wala naman kasing ibang kurso bukod sa fine arts ang gumagamit ng paints at canvas. Kunot noo itong tumingin sa akin at inirapan ako. Binaling ko nalang ang tingin ko sa cashier na nakangiting tinititigan ako. Ngumiti naman ako kaya biglang nahiya ang babaeng cashier. Sino ba naman kasi ang makakatakas sa killer smile ko, edi wala. Pero maliban sa isa diyan.

"Tsk! Playboy..." Mahinang sabi ni Kairon. Napalingon ako sa kanya. Playboy? Dati lang iyon! People change...

Huwag kang mag alala baby ko, sa 'yo lang ako. Ibibigay ko ang lahat sa akin, pati ang katawan ko. Hoy anong katawan ang sinasabi mo Brentley!
Eh, gano'n naman talaga iyon diba? Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang ibigay sa kanya ang lahat. Ang loyalty mo, commitment and trust.

Ano ba itong iniisip ko! Bago ko pa lang nakita at nakasama si Kairon ay ang pagiging mag boyfriend na ang iniisip ko. Ni hindi pa niya ako pinapansin. Kalungkot naman, e sa gwapo kong 'to, walang panama sa kanya. E, baka naman straight siya? Baka maganda iyong gusto niya at hindi gwapo. Kaya ko kayang tanggapin na straight nga siya at wala akong pag-asa.

Hindi naman kasi lahat ng gusto ko ay makukuha ko.

Pero paano kong nagkakagusto din siya sa kapwa lalake. Baka bisexual din siya katulad ko o pansexual. Bisexual, iyong mga taong nagkakagusto sa babae at sa lalake. At pansexual iyong nag kakagusto sa kahit sino, wala silang pinipili ma-babae man, lalake, bakla o tomboy. Pero hindi iyon nag re-reflects sa gender nila.

Ang gender and sexuality are different. For example ako, cisgender ako dahil lalake ang sex ko at lalake din ang identity ko. Para sa akin lalake talaga ako pero bisexual naman ang sexuality ko dahil nagkakagusto o attracted ako sa kapwa ko lalake at sa babae. Gender ay kung ano at sino ka. Sexuality naman ay ang nararamdaman mo sa ibang tao. Iba-iba naman tayo kaya walang dahilan para e kumpara natin ang isa't isa.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now