26

10 3 6
                                    

Promise

*Brently*




"Surprise! Happy Birthday Matt!" Sigaw ng mga kaibigan namin pagkadating sa cottage. Lahat sila ay nakasuot ng party hat. Ang iba naman ay may turutot sa bibig. Habang masayang nakatingin si Alex kay President na may hawak ng cake.

Dahan-dahan kaming pumasok sa cottage. Syempre nauna si President at sumunod naman si Kairon. Habang ako ay nilapag ang mga pinamili sa gilid.

Unti-unting lumapit si Alex kay President. Habang hindi maiwasan ni president ang umiyak. Napangiti ako ng pinahiran ni Alex ang mga luha gamit ang isang kamay.

"Shh! Tahan na... Lance!" Sabi ni Alex. Pero mas lalong humikbi si President. Lumawak ang ngiti ko. Ang cute ng dalawa.

Napatingin ako sa gawi ni Kairon. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Nakasuot narin siya ng party hat. He's smiling like he had something to tell me.   Ano ba iyon? Kanina pa siya kung makatingin sa akin ay halos tatanggalin ako ng buto at sisipsipin ang bawat dugo ko.

Nagkatitigan kami. Napansin kong bumuntong hininga siya at dahan-dahang yumuko. Naalala ko ang nangyari kanina sa bayan.

"Gusto ko may shrimp!" Sabi ni President.

Naglalakad kami sa loob ng  market. Napagkasundoan namin na mag barbeque mamaya and also nag prepare si Alex at ang iba ngayon para sa surprise kay President. Kaya kailangan kong libangin siya.

Pero hindi ko inaakalang sasama pala si Kairon sa amin. Ang sabi sa akin ni President kanina sa kotse na si Kairon daw ang bahala sa pagpili ng mga bibilhin. Dahil magaling daw ito sa tawaran.

Tawaran ng gustong bilhin.

"Okay, let's buy that." Sagot ni Kairon. Naglakad siya papunta sa mga nagtitinda ng shrimp. Nilalagpasan lang niya habang nagtingin-tingin. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba bibili kami.

"Akala ko ba bibili tayo?" Mahinang tanong ko kay President. Lumingon naman siya sa akin.

"Watch and learn. Magaling talaga si Kai sa ganito." Proud na sagot ni President.

Tumango ako. Sumunod lang kami ni president hanggang sa huminto si Kairon.

"Excuse me, magkano ang shrimp?" Tanong ni Kairon sa tindero.

Ngumiti ang tindero. Na mukhang ka-edad lang namin.

"250 ang isang kilo. Last na nga ito, cutie boy. Bibilhin mo ba lahat?" Masayang sabi ng tindero.

" Segi, pakitimbang nga." Nilagay ng tindero sa timbangan.

" Dalawang kilo ito cutie boy." Sabi ng tindero.

Tang inang tinderong ito. Kung maka cutie boy akala mo naman ay kakilala niya. Kumunot ang noo ko ng hindi maalis ang tingin ng tindero si Kairon. Nakatitig lang ito. Ni hindi kami napansin ni president.

Tusukin ko kaya ng dalang barbeque stick para matauhan.

Hoy baka sa presinto ang aabutin mo Brentley!

" Isang kilo at kalahati nalang ang bibilhin ko." Sagot ni Kairon.

" Bilhin mo na lang kaya itong lahat." Sabi ng tindero.

"Eh, isang kilo at kalahati lang ang afford ko. How about 450 nalang iyang lahat." Sagot ni Kairon.

Umiling ang tindero. "Nako cutie, hindi pwede iyan... masyado na ngang mababa ang presyo. Lugi naman ako."

Milk and Coffee Where stories live. Discover now