12

7 2 1
                                    

Sexy Neck

*Brentley*


"Kumusta si Pres. Matt?" Agarang tanong ko pagkabukas palang ng pinto.

"Okay na siya." Sagot ni Alex.

"Anyare sayo Brent bakit nakapajamas ka," natatawang sabi ni Andy.

Pota! Hindi ko napansin na nakapajamas pa pala ako. Pagkabasa sa message ni Kairon ay nag drive na agad ako papunta dito sa hospital. Bahala na nga. Mabuti nalang kamo nakapajamas ako, e kung nagkataon lang na nakaboxer brief lang ako ay talagang nakakahiya iyon. Minsan kasi 'pag natutulog ako, nakapajamas o di kaya'y nakaboxer at minsan hubo't hubad pa.

"Matutulog na sana ako pero may nag message sa akin na nandito si Pres. Matt kaya pumunta na agad ako dito. Buti nalang ay dinala mo siya sa hospital namin, Alex. Pinaalam ko na kay mama ang nangyari kaya siya na raw ang  bahala."

" Salamat Brent..." Sabi ni Alex. Mukhang napagod si Alex, subrang kabado seguro niya kanina at subrang nag alala. Ngayon ko lang nakita ang lalakeng ito na grabe mag-alala. Nagulat nga kami nina Sofia at Jerome kung bakit nag representa itong ihatid si Pres. Matt, e kahit pa lasing na lasing kami ay hindi niya magawang ihatid.

Pero naiintindihan ko naman si Alex. Sa aming lahat sa dance club, si Pres. Matt at Kairon lang iyong mukhang aalagain, iyong laging nagkakasakit at mahina ang katawan. Kaya mabuti nalang na sinamahan ni Alex si president.

" Thank you so much Brent," si Candice. Ngumiti ako sa kanila at unti-unti ng pumasok.

"Walang anuman, teka saan punta n'yo?"

"Uuwi muna kami, si Kai lang muna ang magbabantay." Paliwanag ni Alex. Kaya sinilip ko iyong lalakeng nakaupo sa sofa habang kinakapa ang phone.

"Okay, uwi na kayo dali. Magbabantay din ako rito." Ngiting sabi ko. Lumapit naman si Candice sa akin ng bahagya.

"Kuya loves to drink chocolate milk before going to bed." Mahinang sabi ni Candice at lumabas na ng tuluyan. Malawak ang ngiti ko. Tinutulungan ba ako ni Candice sa kuya niya? Hoy kinikilig ako! Suportado na ako ng kapatid ng baby ko.

" Ingat kayo, Alex." Sabi ko habang patungo sa gawi ni baby Kairon. Lumabas na sila kaya kami nalang dalawa ang naiwan.

Lumapit ako at tumabi kay Kairon, iyong subrang lapit na halos dumikit na iyong katawan namin. Pero hindi parin ako pinapansin. Nakatutok lang siya sa phone kaya napabuntong hininga nalang ako. Pambihira!

Katahimikan. Kaya tumayo ako at lumabas ng room. Pumunta ako sa office ni Mama sa may 4th floor. May susi naman ako kaya kaya nabuksan ko lang iyon. Wala si mama dito this week kaya walang tao dito sa office niya. Pumasok ako at binuksan ang kwarto ko. Yes, may kwarto ako sa office ni Mama. Minsan kasi binibisita ko siya dito sa hospital at dito na natutulog kaya ginawan niya ako ng sariling kwarto. Malaki kasi itong office niya. Mayroong dalawang kwarto at cr pa. Umupo muna ako saglit at kinapa ang phone. I open the food panda app and I ordered one cup of warm milk, chocolate milk and some cookies. Para sa baby ko. Naalala ko kasi iyong sinabi ni Candice kaya bumili na ako. And mahilig ako sa cookies na dini-dip pa sa milk kaya nag order din ako at baka kasi mahilig din si baby Kairon ng cookies.

Kinuha ko na ang pakay ko. Dalawang unan, dalawang blanket at isang kotshon. Medyo malaki itong kotshon, kasya ang dalawang tao kaya nahihirapan akong ilabas iyon sa kwarto ko at sa office.

Pero nailaban ko naman dahil nakababa ako mula 4th floor hanggang 2nd floor gamit ang hangdan. Hindi kasi kasya sa elevator itong kotshon kaya wala akong choice kundi pagurin ang sarili. Inaantok narin ako kaya binilisan ko na ang kilos.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now