27

8 3 1
                                    

Ate

*Alexander*



"Lance!" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin na nakangiti. Kakalabas lang niya sa room. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magdala.

Finally, we are officially dating. Buo narin iyong loob ko na siya talaga ang nilalaman ng puso ko. Na siya ang nagpapatibok nito. Siya lang pala noong una palang. Kaya siguro hinalikan ko siya noong nalasing ako. Nakakatawang isipin na pinipilit kong sabihin na gusto ko rin si Candice kahit hindi naman pala. Aaminin kong naging masaya naman akong kapag kasama ko si Candice. Pero ang sayang iyon ay normal ko lang nararamdaman kapag kasama ko ang tropa.

Nahihibang na talaga ako. Akalain n'yong nagustuhan ko kuno si Candice dahil kamukha at kapangalan niya ang Cinderella na hinahanap ko. Pambihira! Ni hindi ko din nga naramdaman ang kaba noong nakita ko ang Cinderella na iyon. Hindi ko nga alam kong bakit gusto kong mahanap siya. Basta may kung ano sa akin na gustong makilala si Cinderella. Pero hindi na importante iyon dahil hindi naman si Candice ang hinahanap ko. Hindi si Candice ang Cinderella. At lalong wala na akong pakealam kung sino siya. Ang importante sa akin ay si Lance. Ang boyfriend ko.

Pagkatapos ng All in Party umuwi agad ako sa condo ko. Pero kahit anong pilit kong matulog, hindi ko magawa. Mas gusto kong kasama si Lance. Mas gusto kong kayakap siya. Parang sirang plaka itong utak ko na siya nalang iyong lumalabas. Umiikot siya sa bawat bahagi ng aking katawan. Hindi ako mapakali. Kaya pumunta ako ng rooftop. Pagkadating ko roon naabutan ko si Candice. Nakatayo siya at nakatanaw sa city view.

Lumapit ako sa kanya. "Candice?" Tanong ko kahit alam kong siya talaga iyon. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng makita ako.

"Hey, Alex!" Sagot niya. Tumabi ako at pinako ang tingin sa lights ng mga building. Pinikit ko ang dalawang mata at ninamnam ang malamig ng simoy ng hangin.

"May problema ka yata," sabi ni Candice. Minulat ko ang mga mata. Tumingala ako sa langit na puno ng mga bituwin.

"Hindi ko na alam kong ano ang nangyayari sa akin." Sagot ko.

"Bakit, ano bang nangyayari sa 'yo?" Tanong niya.

"I don't know... it's just I have a feeling that I never felt before. And I'm confused," sagot ko.

"Tell me, maybe I could help."

Bumuntong hininga ako. Iyong malakas talaga.

Should I tell her everything? Maybe she could understand me.

"There was this girl. I liked her... but I don't know why. Nakita ko siya ulit and good thing naging kaibigan ko siya. Pero dumating naman sa buhay ko ang lalakeng hindi ko inaakalang magiging malapit ang damdamin ko sa kanya. Sa tuwing nakikita ko ang lalakeng iyon, masaya ako. Excited ako na makasama siya. Gusto kong protektahan siya. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat sa akin." Huminto ako sa nagsasalita. Tumingin ako sa kanya. Maraan akong tinignan ni Candice.

Nagpatuloy ako. " But alam kong gusto ko iyong babaeng nakita ko. Si Cinderella...Ikaw iyon, Candice!" Akala ko magugulat si Candice kapag sinabi ko ang mga salitang iyon pero hindi, hindi siya nagulat. Ngumiti siya ng bahagya.

" Do you mean you liked me?" Tanong niya. Tumango ako dahilan para tumawa siya ng bahagya.

" So hindi mo na ako gusto ngayon?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam. Gusto ko ba siya?

Malawak siyang ngumiti.

"I'm not Cinderella! Kaya never mo talaga akong nagustuhan," sabi niya na ikinahinto ng pag -iisip ko.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now