Friends
*Alexander*
Nakakainis talaga. Bakit ko pa siya babalikan dito sa campus. Halata naman na hindi importante iyong sasabihin niya. At tiyaka siya ang may kailangan sa akin, dapat siya ang lumapit.
Pero heto ako ngayon, naglalakad patungo roon sa SSG office. Medyo madilim narin pero kahit ganoon ay may nakikita parin akong mga estudyante, mga mayroong night classes ang iilan at ang iba ay may pinagpapraktisan. Seguro ay para sa darating na University days ngayong September.
Nakapamulsang binaybay ko ang hallway ng Computer Science Department.
"Sinunod ko naman ang gusto nyo! Naging Computer Genius ako tulad ng gusto nyo!"
Narinig kong sigaw ng kung saan. Nag-aaway yata.
"Nalaman kong nagtatrabaho ka! Pinapahiya mo ba ako ha! ano nalang ang iisipin ng mga tao, na hindi kita binibigyan ng allowance?!" Sigaw naman ng isang matandang lalake.
Napahinto ako sa paglalakad ng matantong na sa tapat na ako ng isang room kung saan nanggagaling ang sigawan.
"Bakit po ba kayo pumunta dito! Alam kong wala na kayong pakealam sa akin kaya tigilan nyo na ako, pa!"
" Umuwi kana sa atin! Bakit ba napakatigas ng ulo mo!"
" Ayaw ko ngang umuwi!"
" Sa ayaw at gusto mo, sasama ka sa akin!"
Biglang bumukas ang pinto na ikinaatras ko. Lumabas ang isang matandang lalake hila-hila ang isang batang lalake.
Nagulat ako ng makitang si Lance iyon. Pwersahang hinihila ng matandang lalake.
Napatingin si Lance sa gawi ko. Umiiyak ito na para bang nasasaktan na siya. Nakatulala akong nakatingin kanya. Bakit ganito? bakit ako kinakabahan? Bakit may kung ano dito sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.
Narinig ko ang pag ungol ni Lance nang makalapit ito at nilagpasan ako. Talaga ngang nasasaktan siya. Hindi ako mapakali ng lumayo na sila ng tuloyan. Lumingon ako sa gawi kung saan hinihila parin si Lance at tuloyan ng hindi ko na sila matanaw.
Parang may sariling buhay itong mga paa ko. Hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako papunta sa kanya. Ito ba ang dahilan kung bakit kinakabahan ako?. Sumabay pa ang malamig na hangin sa pagtakbo ko.
Agaw hininga kong hinawakan ang kabilang kamay ni Lance. Nasa labas na kami ng gate at papunta na sana sila sa kotse. Tumingin si Lance sa akin na para bang nangungusap kung ano ba ang ginagawa ko. Hindi ko din alam kung ano itong ginagawa ko.
"Don't leave me, please!" Nabigla ako sa sinabi ko at maging si Lance ay nagulat rin.
Bwesit! Iba na tuloy iyong nasabi ko. Pero bago ko pa bawiin ang mga sinabi ko ay tinulak ako ng matandang lalake na nanggagalaiting tinititigan ako.
"May boyfriend ka pala Matt! Kaya ba lumayas ka dahil sa lalakeng ito!" Sigaw ng matandang lalake.
Ano daw? Naglayas si Lance? Pero bakit?
Umiiling si Lance habang umiiyak.
"Pumasok ka sa kotse! At humanda ka sa akin sa bahay!"
Unti-unting lumapit siya sa kotse pero bago pa niya mabuksan ang pintoan sa backseat ay tumakbo ako papunta sa kanya at hinila siya paalis doon. Mabilis akong tumakbo kasama siya. Narinig ko pang sumigaw iyong matandang lalake pero patuloy parin kami sa pagtakbo.
Nakangiti akong tumingin sa kanya, ngumiti ako ng makitang napatulala ito sa akin.
Ewan kung bakit ko iyon ginawa. Kung tutuusin ay dapat hindi na ako nangialam sa buhay ng ibang tao. Pero hindi ko lang din talaga kayang makita na nasasaktan si Lance ng gano'n. Unang beses ko siyang makitang umiiyak. Iyong subrang hina niya. Iyong kahit anong gawin niya ay wala siyang laban, hindi niya kayang lumaban!.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...