21

10 3 1
                                    

In love

*Brentley*




Pinagdadasal ko na sana ay nasaktan siya ng makitang hinalikan ko ang babae sa harapan nila. Pero hindi, wala siyang naramdaman. Wala akong nakikitang sakit sa mga mata ni Kairon. Ni hindi niya pinakita na he is bothered at all. Totoo nga talaga na ayaw niya sa akin. Na nandidiri siya.

Ang sakit, subrang sakit. Ito ba ang nararamdaman ng mga babae kapag hiniwalayan ko sila? Kapag pinapakita ko na hindi ako interestedo. At kapag niloloko ko sila. Ganito ba talaga ito kasakit? Para akong pinapatay ng mga karayom na tumutusok sa akin. Kung alam ko lang na aabot ako sa puntong ito, edi sana ay hindi nalang ako umuwi sa amin nang mga panahong iyon. Edi sana hindi ko nalang nakita at nakilala pa si Kairon. Edi sana hindi na ako nasaktan pa ng ganito.

But I feel real happiness when I am with him. The feelings that I never felt before. My moon flower. Totoo nga talaga ang kasabihan na huwag kang lalapit dahil mapanganib. It's poisonous!

Ngunit paano ko ba ipapakita sa kanya na totoo ang nararamdaman ko? Na hindi ito laro lamang para sa akin? Alam kong mahirap, dahil sa aking nakaraan, pero handa akong magbago para sa kanya. Kailangan kong ipakita sa kanya na seryoso ako, na siya lang at wala ng iba. Pero paano? Pinakita ko na sa kanya ang dating ako.

Bakit ko ba naisip na gawin pa iyon? Nadala ako sa bugso ng damdamin. Masyado akong nasaktan. To the point na gusto ko nalang ibalik ang dating nakagawian. Alam kong nagkamali ako.

Kailangan kong magsimula sa paghingi ng tawad. Kailangan kong aminin ang aking mga pagkukulang at mga kasalanan. Ngunit higit sa lahat, kailangan kong ipakita na handa akong maghintay, kahit gaano pa katagal. Gusto kong malaman niya na siya ang dahilan ng pagbabago ko. Na siya ang nagbibigay kahulugan sa buhay ko.

Sa kabila ng lahat, may pag-asa pa kaya? O tuluyan na akong mawawala sa puso ni Kairon? Ang tanong nasa puso ba niya ako?

Sa tuwing nilalayoan at iniiwasan niya ako ay mas nawawalan ako ng pag-asa. Nanghihina ako. May parte sa akin na gusto ko nalang sumuko. Pero masyado pang maaga para huminto itong pagtibok ng puso ko para sa kanya.

Kung iniisip niya na naglalaro lang ako. Na, I'm just playing with him. Segi, pagbibigyan ko siya. I'll play with him. Iyong tagos hanggang sa kaloob-looban naming dalawa. Makikipaglaro ako sa kanya ng habol-habolan kung saan ako ang taya. At ako ang tataya. Kahit na alam ko na mas masasaktan pa ako sa huli. Kahit na alam kong...ako ang talo sa larong ito.

Hahabulin kita Kairon hanggang sa mayakap at mahagkan na kita! Hahabulin kita kahit pa mabali itong mga paa ko.

Alexander:

Pare nasaan ka?

Message sa akin ni Alex. Ininum ko ang isang basong juice na hawak ko habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayaw sa gitna ng open space. Subrang daming tao at ang ingay dito. Pero wala ako sa mood na makisaya sa kanila.

Ibinulsa ko ang phone at sumandal ako sa upuan.

Tinititigan ko ang lalakeng kumain sa 'di kalayuan habang makikita sa manggas ng damit niya ang brasong may benda. Kasama ni Kairon sina president at Alex. Masaya silang kumakain at nagkukwentuhan. Pero wala akong lakas ng loob para lapitan sila. Hindi ko pa kayang lapitan siya ulit matapos makita ko ang mga mata niyang sinasabing lumayo ako sa kanya kaninang ginagamot siya.

Nanalo sina Jerome at Andy sa pageant kanina. Kaya nagyaya si Jerome na mag-inuman daw kami. Pero tinanggihan ko ang alok niya. Alam kong masama parin ang loob sa akin nina Andy at Sofia. Kaya mas mabuting lumayo muna ako.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now