Picture tayo
*Alexander*
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Lance pagkapasok ko palang sa room. Anim na araw na siyang nandito sa hospital. At mabuti nalang ay unti unti na siyang gumagaling. Sa makalipas na anim na araw na nandito siya, palagi kaming bumibisita sa kanya pagkatapos ng practice at kung wala kaming klase.
"Bakit hindi? Eh lage naman kita dinadalaw dito," sagot ko sa kanya.
Lage namin siyang dinadalaw dito. Wala namang dumadalaw sa pamilya niya. Ewan ko ba sa lalakeng ito kung bakit wala yata siyang pamilya dito sa Manila bukod sa papa niya. Wala pa din akong alam tungkol sa pagkatao niya. Hindi naman niya na kwento sa amin.
Binaba ko ang dala kong pagkain sa lamesa at umupo ako sa higaan niya. Umayos naman siya ng upo habang nakatingin parin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya na agad naman niyang binawi.
"Patingin... " Sabi ko at kinuha ang kamay niya na inilayo sa akin.
"Malapit na itong gumaling baka bukas pwede ka nang e discharge. " Dagdag ko. Pero hindi ito umimik.
" Bakit kaba kasi nandito? Diba may practice pa kayo ngayon? " Maraang tanong niya, ngumiti ako at kinuha ang pagkain na dala. Chicken adobo, garlic rice at isang bottle ng vitamilk. Sinabi kasi ni Candice na iyong binibigay kong vitamilk sa kanya ay si Lance lang daw ang umiinom no'n kasi hindi naman daw siya mahilig doon. Ibinigay ko iyon sa kanya pero binibigay niya sa iba, nakakatampo. Pero alam n'yo bang madalas na kaming nag-uusap ngayon. Kumportable na siya sa akin.
"Oh, kainin mo ito." Sabay bigay ko sa kanya ng bowl na mayroong adobo at kanin. Umiling ito at itinulak palayo ang hawak-hawak kong pagkain.
"Busog na ako, kakalunch ko lang kanina."
" Alas kwatro na oh kaya kainin mo ito"
"Busog nga ako ang kulit! Teka bakit ka nga nandito?"
"Wala na kaming practice ngayon at tiyaka papunta narin dito ang barkada natin." Sabi ko at ibinalik nalang ang pagkain sa lamesa. Tumayo ako at umupo sa sofa na katapat lang sa kama niya.
"At kailan pa tayo naging magbarkada?" Natatawang sabi ni Lance.
"Ngayon lang!" Ngiting sabi ko.
"Pwe! Pangit mo kaya ka bonding!"
"Hoy hindi kaya! Ang sarap ko kayang kasama,"
Tumawa naman siya ng malakas. Ang lalakeng ito talaga, inaasar na naman ako. Inirapan ko nalang siya at kinapa ang phone sa bulsa. Nakita ko naman na kinuha niya ang laptop na nasa tabi.
Alexander:
Hoy bakit hindi kana nag me-message sa 'kin?
Message ko kay milky boy pagkabukas ng Instagram. Lately napansin kong hindi siya madalas naka online. Bakit kaya? Baka busy.
Si Milky boy iyong friend ko sa Instagram since high school. Siya iyong unang nag message sa akin tapos nagtuloy-tuloy na iyong pag-uusap namin. Pero hanggang ngayon hindi ko parin siya kilala. Napaka mysterious kasi. Wala ni isang post at ayaw e pakita ang mukha. Hindi issue sa akin iyon. Wala pa naman siyang ginawang masama sa akin o sa ibang tao kaya alam kong mabait siya.
Milky boy:
Sorry busy lang sa studies, how are you Xander?
Alexander:
I'm fine Milky, how about you po?
Milky boy:
Okay lang din. By the way any update sa dance club mo?. Ilang weeks din akong hindi nakapag message sayo☺️
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...