Volleyball
*Brentley*
"Pero paano kung... may gusto siyang iba?" Tanong ko. Lumingon ako sa kanya. Puno ng saya ang mata ni Alex. Hindi ko alam kung bakit.
"Okay lang... at least I tried to get him! I can't force him to love me but I can force myself to take a risk. And even if I get hurt. I'll still love him in another way." Sagot niya.
Naiintindihan ko si Alex. Ganyan din ako noon. Not until I realized that forcing yourself doesn't mean you get what you want. Forcing yourself, ibig sabihin talo kana sa una palang. Bakit mo pa ipipilit ang isang bagay kung nagwagi ka diba.
This is the lesson I've learned.
Akala ko, ayos lang kung ipilit mo ang sarili mo sa isang tao. Akala ko walang masama roon basta, you tried your best.
Mali pala. When you reach to the point that you're begging for his attention, you're begging for his love. It means that... you're not the one he wants. Kasi dapat kusa niya iyong binibigay sa 'yo.
Naalala ko. Ako iyong naghahabol sa kanya. Pero kahit na kailan ay hindi siya nagpakita ng kahit isang beses na interesado siya sa akin. Na kahit gusto lang niya na magkalapit kami.
Wala eh. Wala siyang pinapakita. Kaya mas nasasaktan ako. At naiinis din sa sarili kung bakit ngayon ko lang na realize ito.
Sana ay hindi maranasan ni Alex itong naranasan ko ngayon.
" Do you want me to help you, pare?" Saad ko na ikinalawak ng kanyang ngiti.
" Iyan talaga ang hinihintay kong sabihin mo, pare." Sagot niya.
" Actually pare birthday ni Lance today kaya nag request ako kay Mommy na ipa-cancel ang klase." Dagdag niya. Nagulat ako sa narinig.
Tang ina! Kaya pala walang pasok dahil ni request niya. Pambihira! Pero teka paano niya napapayag ang kanyang magulang? Eh ang alam ko ay ayaw ni Alex na kausapin ang mga ito.
Siguro ay may binabalak ang kumag.Kaarawan pala ni President.
Pagkatapos naming mag-usap ni Alex sa plano niya ay nagsidatingan naman ang mga kaibigan namin. Tumayo ako ng papalapit sina President at Kairon sa gawi namin ni Alex. Lumipat ako sa kabilang upuan. Alam kong napatingin ang iba sa ginawa ko pero isinawalang bahala ko lang iyon.
"Guys let's play na!" Giliw na sabi ni Candice.
"Game! Gusto ko ng matalo si Jerome." Sagot ni Andy.
"Teka, sino ba ang magkakasama sa team?" Tanong ni Logan.
" Wait guys, I can't play Volleyball, referee nalang ako. " Sabi ni Cindy. Tumango naman ang lahat.
Sa haba ng talakayan nila ay napagdesisyonan na rin ang magka team. Magkateam sina Andy, Logan, Candice, John, Sheena at si President. Magkateam naman kami nina Alex, Mikael, Jerome, Sofia at ni Kairon. Gusto ko sanang lumipat sa ibang team kaso hindi sila pumayag kaya wala akong magawa. Si Samantha naman ay hindi rin maglalaro kaya sasamahan niya si Cindy.
Hanggang set one lang ang game na ito dahil malapit na mag tanghalian. Nagsimula ang game na kami ang unang mag se-serve.
Nag serve si Sofia at agad naman itong sinalo ni president papunta sa amin. Sinalo ni Jerome papunta sa akin kaya nag toss ako para pa spike iyon ni Mikael. Kaso nasalo ni Logan ang malakas na pagpalo ni Mikael. At nag spike si John na nagbigay ng unang puntos sa kanila.
Aba'y napakagaling mag volleyball ng mag jowang ito. Nagtatagisan sila, halata sa kanilang mukha.
Marunong din naman akong mag volleyball kaso hindi nga lang magaling. (Laugh)
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...