Demonyo
*Alexander*
"Please, huwag naman ganito, Love!" Pagmamakaawa ko, ang mga luha’y walang tigil sa pag-agos habang pinipilit kong tingnan si Lance sa mata. Ngunit hindi siya makatingin nang diretso sa akin. Hinawakan ko ang kanyang braso, desperado na huwag siyang pakawalan.
"Please, Lance, stay with me. Lalayo tayo sa kanila, magpapakalayo-layo tayo. Kaya natin 'to," patuloy kong sabi, halos pabulong na.
Sa wakas, tumingin siya sa akin. Mga matang punong-puno ng sakit at lungkot, na pilit niyang itinatago. Alam kong nasasaktan siya, ngunit alam kong may dahilan kung bakit niya ako itinutulak palayo.
"Please stop, hindi ako pwedeng bumalik sa 'yo. May masasaktan lang sa atin. At ayaw kong mangyari iyon," sagot niya, madiin at matatag, habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa kanyang braso.
"You don't know everything," dagdag niya, boses na puno ng pighati.
"Ano ang hindi ko alam? Sabihin mo, Lance... Para naman may alam ako. Para ma-protektahan kita laban sa mga magulang ko. May sinabi ba sila sa 'yo noong gabing iyon? Ano, sabihin mo sa akin! Kaya naman kitang ipaglaban, e," sigaw ko, hindi na alintana ang mga luhang patuloy sa pagbagsak.
Tangina, pati ba naman siya? Tulad ng sinabi ng mga magulang ko—"you don't know everything!" Pero ano ba talaga ang hindi ko alam para lumayo sa akin si Lance? Bakit parang may lihim sila na hindi ko mahagilap?
---
Nang gabing iyon, pagkatapos ng lahat ng kasiyahan, hindi ko inasahan ang mangyayari. Matapos naming magsaya sa labas at sabay naming pinanood ni Lance ang fireworks display, pumasok kami sa bahay para sa noche buena. Maraming pagkain ang inihanda nina Lolo’t Lola. Masaya kaming kumakain, hanggang sa dumating ang isang hindi inaasahang bisita—ang mga magulang ko.
Nagulat kami nang makita sila na pumasok. Hindi ko maiwasang mapahawak nang mahigpit sa kamay ni Lance, na napansin kong kinabahan. Ako man, hindi ko mapigilang kabahan, lalo na’t akala ko'y hindi sila uuwi dito sa Pilipinas.
Nang pumasok sila, nagkaroon ng katahimikan sa buong bahay. Nakangiti ang Mama ko, ngunit may kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. "You really looked like her," walang emosyong sabi ni Mama kay Lance. Si Papa naman, tahimik na nakatingin kay Lance, tila ba binabasa ang kanyang iniisip. Matapos ang pagkain, hiningi ni Papa na ihanda ko na ang kama para kay Lance.
Hindi ko alam kung inaprubahan ba nila ang relasyon namin ni Lance, pero sinunod ko na lang ang sinabi ni Papa. Bago ako umakyat sa itaas, napatigil ako nang makita ko si Lance na kasama ang mga magulang ko. Nag-uusap sila, at halata sa mga reaksyon ng mga magulang ko na may seryosong bagay silang pinag-uusapan. Ang mukha ni Lance, seryoso, puno ng bigat na hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila, ngunit ang tanawin na iyon ay nagpatibok ng kaba sa aking dibdib.
Pagkatapos kong ayusin ang guest room. Lumabas ako ng room, doon ay nadatnan ko sina Mama at Lance na nag-uusap parin sa sala. Napalingon sila sa akin nang mapansin na papalapit ako. Umupo ako sa tabi ni Lance. At kunot ang noo na napatitig sa kanya.
"I hope you understand," sabi ni Mama.
Ano ang pinag-uusapan nila? Lumingon ako kay Mama na may pagtataka sa mukha. Mas lalo akong kinakabahan. Baka may sinabi siya kay Lance. Alam ko ang ugali niya. Para sa mga ganitong bagay alam kong may gagawin siyang hindi maganda. Lalo nang makita ko ang mabilis na pagtapik ng kanyang kamay sa kanyang hita. Indekasyon na wala hindi masaya sa mga pangyayari at may iniisip siya na kailangang gawin.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...