Changed
*Alexander*
"Ca... Candice?" ngiting sambit ko ng maalalang siya iyon, si Cinderella. Ilang weeks ko rin siyang hinahanap, nandito lang pala siya sa malapit. And take note magkapitbahay lang kami. Subrang saya ko.
"Uhm, hi, anong kailangan mo?" Nakatutok ito sa akin. Kagat labi ko siyang nginitian. Kumukurap ito na nag iwas ng tingin.
"Tumawag kasi 'yung delivery guy, napagpalit niya iyong order natin"
"Ah, ganon ba, uhm... naubos ko na iyong iyo" nahihiyang tugon nito. Natawa ako ng bahagya habang tinititigan siya.
"Naubos ko na rin iyong iyo, teka... favorite mo pala ang chocolate cake?"
"Uhm, oo"
"Oh I see, favorite ko naman ang strawberry cake" nakangising sagot ko. Hinawi niya ang kanyang buhok at tumingala sa akin.
"Wala ka na bang ibang sasabihin? May gagawin pa kasi ako"
"Uhm wala na"
"Okay..."
She slowly closed the door pero bago pa niya maisara ng tuloyan ay hinarang ko ang pinto gamit ang kanang kamay.
"Candice... Can I get your number?" Kabadong tanong ko sa kanya.
This is my first time asking someone's phone number kaya subrang kaba ko ngayon. Eto na ba iyon? Iyong tinatawag nilang first move! Subrang nakakakaba pala talaga. Sana magpatuloy pa itong ganito, na lagi ko siyang makakausap. Kahit na alam kong mahihirapan akong makahinga kapag malapit siya. She's giving me butterflies on my stomach and I can't control it. My heart? Heto nagwawala na, parang sasabog na ito maya-maya.
Binuksan ulit ni Candice ang pinto sapat na para makita ang buo katawan nito. Taas baba siyang tumitingin sa akin.
Ano ba itong prinsesa ko, nahiya tuloy ako. Kung makatingin ka naman sa akin parang may gagawin akong masama, e, mamahalin lang naman kita.
Nagtagal iyon ng ilang minuto bago siya bumaling sa mukha ko. Malawak ang aking ngiti habang tinititigan siya.
Kunot ang kanyang noo at bahagyang ngumiti.
"Ayaw ko kay Doraemon!" Ani nito at mabilis na sinirado ang pinto.
Para akong napako sa kinatatayuan ko.
"Nakakahiya ka pare," humahalakhak si Jerome no'ng na kwento ko sa kanya ang nangyari noong gabing iyon.
"Huwag ka ngang tumawa diyan! Malay ko ba na si Candice pala iyong kapitbahay ko, nakalimutan kong naka Doraemon na pajamas pala ako!" Nakangiting sabi ko habang inaalala iyon.
Nakakahiya talaga!
Pero masaya parin ako dahil nakita ko siya ulit. Dahil mag kapitbahay lang kami, madali lang sa akin na magpapansin sa kanya.
Kaninang umaga nga'y binigyan ko siya ng isang dosinang vitamilk (pero nilagay ko lang paanan ng pintoan niya) para naman maging malusog pa siya tulad ng dibdib niya.
Hoy ano daw dibdib?
Hindi, hindi iyon ang ibig kong sabihin!
What I mean is her heart kamo. Tsk! mga utak nyo talaga iba ang iniisip! (Laugh)
May malusog ba na heart Alexander? Meron naman seguro, e 'yung siksik, liglig at umaapaw sa kabutihan at kawang gawa. Marami akong kilala na ganon.
"Sino nga ulit iyang Candice?" Tanong ni Jerome habang buhat ang isang malaking box na hindi namin alam kung ano ang laman. Patungo kami sa SSG office, napag-utusan kasi kami ni Madam Grace para dalhin iyon doon.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...