Hug, again
*Alexander*
"Xander!" Tawag ni Lance. Nakaupo ito sa kama habang maraang nakatingin sa akin. Inilagay ko sa plato ang dala kong pagkain. Isang bucket ng fried chicken, fries, mango-peach pie, spaghetti, burger at coke float. Napapangiti ako habang inihanda ang mga 'yun. Proud na proud sa sarili.
Bubusugin ko siya. Hanggang lumaki ang mukha. Para mag mukha na siyang si doreamon. (Laugh)
"What?" Sagot ko sa kanya.
"Why are you doing this to me?"
"About what?"
"You're taking care of me... And it feels... like...! "
" You're sick and ... We're friends! " Sagot ko sa kanya pero nakatingin lang ito ng deretso sa akin. Parang may tumatakbo yata sa isipan nito. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. I grabbed his nape.
" Let's eat! " Hindi pa man ito sumagot ay hinila ko na ito papunta sa maliit na lamesa.
" Bakit ang dami nito? " Gulat na sabi nito habang nakatingin sa pagkaing nasa lamesa.
" That's all yours! " Ngiting sabi ko. Lumingon naman ito sa akin na nakakunot ang noo.
" Do you want me to get fat? And I can't eat all of this! " Tumango ako habang nakapinta parin ang ngiti sa mukha.
" Oo, ang cute mo kaya kapag lumaki iyang pisngi mo! " Tawang sabi ko. Mahinang sinuntok nito ang dibdib ko.
"Ahw ang sakit no'n, Lance!" Nakangusong sabi ko. Tumawa ito ng malakas at umupo. Umupo narin akong kaharap siya. Nakatingin lang ito sa pagkain kaya kumuha ako ng isang fried chicken at inabot ito sa kanya. He confusedly stared at me. Kinuha naman niya iyon sabay subo.
"Kainin mo itong lahat, okay?" Sabi ko sa kanya. Hindi ito sumagot dahil puno ng pagkain ang bibig nito.
Parang batang kalye na hindi pa kumakain kaninang umaga. Eh, kasi ang bilis sumubo ng pagkain.
"Dahan-dahan lang sa pagkain..." Sabi ko. Maamo itong tumingin sa akin at binitawan ang kutsarang mayroong spaghetti. Dahan-dahan itong ngumuya habang nakaumbok ang dalawang pisngi. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Tang ina! Ang cute niya...
Hoy Alexander! Ano iyan?
Eh, talagang cute siya. Anong magagawa ko? He's such a baby.
Alam n'yo iyong baby na maumbok ang pisngi, maputi at mapupula pa ang labi at ang mukha. Iyong kapag inagawan mo ng pagkain malakas itong iiyak. Iyon na iyon si Lance. Nakakatuwa lang dahil may ganitong katangian pala siya. Hindi lang puro pagsuplado. Akala ko dati ay matapang na tigre ito pero isang cute na pusa lang pala. Hindi ko rin inaakala na darating ang panahon na ito na nasa harapan ko na siya. Mailap kasi ito sa akin noong high school. Hindi ko malapitan dahil nga sa personalidad nito. Minsan nga nakikita ko siya sa may garden ng school kumakain mag isa at ng nawala lang saglit ang tingin ko sa kanya ay nawala ito ng parang bula. Natakot nga ako no'n dahil akala ko multo siya.
Naaalala ko rin noong unang beses na magkakampi kami sa isang national debate. Sa buong araw namin sa Bohol ay ni isang salita ay wala akong narinig sa kanya, maliban no'ng nag start na ang debate. Hindi mo talaga masasabi na tahimik ang lalakeng ito dahil halos sa buong bahagi ng debate ay siya iyong laging sumasagot. Syempre may naitulong din naman ako. Pero pagkatapos ng debate namin at pauwi na sana kami sa hotel ay bigla naman siyang nawala. Ni hindi nagpaalam sa teacher naming kasama. Hinanap namin siya sa buong bahagi ng venue pero hindi namin siya makita. Makalipas ang ilang oras ay lumabas siya sa isang kwarto na duguan. Maraming dugo ang nagkalat sa uniform niya. Nagulat talaga kami noon. Pero wala itong emosyong nakatingin sa amin... sa akin. Nakatingin ito sa akin habang iniusisa siya ng teacher at ng mga staff.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...