15

6 3 0
                                    

Code blue

*Brentley*



"So what's up, son?" Tanong sa akin ni Mama.

Pumunta agad ako dito sa office ni Mama ng nagsiuwian na ang mga kaibigan ko. Si Kairon ang magbabantay kay President kaya nagpaiwan narin ako dito sa hospital. Pero syempre ayaw kong maiwan kaming dalawa doon sa kwarto at baka hinahalikan ko na siya habang tulog si President. Aaminin kong takot na akong mangyari ulit iyong nangyari sa amin noong nakaraan.

Hanggang ngayon ay iniiwasan ko parin si Kairon. Mahirap pero kinakaya ko. Minsan kapag na-mi-miss ko siya ay patago akong sumosulyap sa kanya sa malayo. Kapag wala akong pasok pinupuntahan ko siya sa room niya at tinititigan ko lang siya sa bintana. Nahihirapan narin akong umiwas sa kanya, naninikip ang dibdib ko. Para akong sinasaksak ng maraming karayom. Lalo na't lage kami nagkakasama sa dance practice. Gustong gusto ko siyang kausapin o kulitin, kaso pinipigilan ko ang sarili na gawin iyon.

"What mom?" Tanong ko.

Nakaupo ako habang nakasandal ang likod at nakatingala sa kisame.

"Nagkausap kami ni Kairon kanina, I asked him kung close na ba kayong dalawa but he said hindi, why?" Aniya.

" Mom, hindi pa talaga kayang lumapit sa kanya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan siya. At worst baka makulong ako sa kasong rape.  " Saad ko.

Alam na ni mama at ni papa na gusto ko si Kairon. Lage kong sinasabi sa kanila kung may problema ako o di kaya'y may masayang nangyari sa buhay ko. Noong unang araw na iniiwasan ko si Kairon ay nagsumbong ako kay mama.

"That's good, he's actually pretty and cute." Sabi ni mama. Nakakagulat na hindi man lang siya galit o nadismaya na hindi ako straight, na nagkakagusto ako sa kapwa lalake. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa sa computer. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari at ito lang ang sagot niya. Ini-expect ko pa naman na magagalit siya sa akin kapag sinabi kong gusto si Kairon Lee, ang anak ng best friend niya.

"Hindi po kayo galit sa akin?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit?" Sagot ni mama.

"E, gusto ko si Kairon, and he's a guy."

"So?"

"Okay lang sa inyo?" Tumingin si mama sa gawi ko.

"Anak, malaki kana. Normal lang na magkakagusto ka sa kapwa mo lalake. Hindi mo naman ginusto iyan, kusa mong naramdaman na gusto mo siya. Kaya walang dahilan para magalit ako o ang daddy mo. Love is love, you can't change that!. And I'm so happy na sinabi mo iyan sa akin. Hindi ka natakot na ibahagi ang totoong ikaw sa iba. I'm so proud of you! At tiyaka bagay naman kayo ni Kairon, he's really cute. I like him! " Napatulala nalang ako sa sinabi ni mama. Ngumiti ito sa akin at bumalik sa ginagawa.

" Also, alam na namin ng papa mo na... may pagtingin ka kay Kairon. Nag-aral din kaya kami ng psychology ng daddy mo, kaya alam namin ang ibig sabihin ng malagkit mong titig sa kanya noong nakaraang dinner. " Dagdag nito.

Ano daw? Napansin nila iyong titig ko. Kaya pala hindi na siya nagulat nang ipagtapat kong gusto ko si Kairon.

"Nililigawan mo na ba siya?" Napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni mama. Sana nga ay nililigawan ko na siya, pero hindi eh.

"Iniiwasan ko nga siya, mom!" Sagot ko. Mabilis na lumingon si mama sa gawi ko at nakakunot ang noo.

"Aba'y bakit?"

"E, kasi... kapag malapit ako sa kanya hindi ko maiwasang mag-isip na halikan siya, I can't control myself, mom" Sagot ko at binaba ko ang ulo sa lamesa. Medyo masakit pa nga iyong noo ko.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now