Christmas Eve
*Alexander*
"Sorry, I'm late!" Mahinang sabi ni Lance pagkalabas sa kwarto niya. Nakasuot siya ng white t-shirt with black jacket, black pants and black rubber shoes. Pambihira, kaya pala ang tagal magbihis. Masyadong pinaghandaan ang okasyon ngayong gabi.
Napangiti ako ng makita siya. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Mukhang nahihiya pa sa akin itong boyfriend ko. Tang ina, ang cute. Namumula na naman iyong pisngi niya. Ang sarap tuloy kurutin at halikan.
"No, you're not late...I'm just too early," sagot ko.
I grabbed his hand as we went to the parking lot. I opened the car door for him. Lumawak ang ngiti niya. Hindi naman iyon bago sa kanya. Iyong pagbuksan ko siya ng pinto pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay binibigyan niya ako ng matamis na ngiti. Na mas lalong nakapagpahina sa buo kong katawan.
" Are you ready?" Tanong ko habang nagda-drive. Nakatuon lang ang mga mata sa daan.
Bumuntong hininga siya.
"Kinakabahan ako," mahinang sabi ni Lance. Halata sa boses na kinakabahan nga siya.
"Please don't be, Love. Nakilala mo naman ang mga kapatid ko. And, mabait naman sina Lolo't Lola."
" Baka hindi nila ako...magustuhan," humina ang boses niya sa huli niyang sinabi.
Papunta kami ngayon sa bahay namin to celebrate Christmas Eve. At excited talaga ako na ipakilala ang boyfriend ko kina lolo't lola. Gusto kong makilala nila si Lance dahil sila iyong nagpalaki sa akin. My grandparents are important to me. That's why I wanted them to know the real me. Na hindi ako straight at may boyfriend na ako.
Aaminin ko na kinakabahan din ako. Baka kasi magalit sila sa akin at hindi nila matanggap ang relasyon namin ni Lance. Pero kailangan kong tapangan sa sarili. Para din naman ito sa aming dalawa.
Para mas ma-relax si Lance, binuksan ko ang music player at pinatugtog ang “YK” ni Cean Jr. Puno ng melodya ng pag-ibig ang sasakyan habang umaawit ang mga linya.
Napatingin ako kay Lance, at nakita ko siyang napapikit habang ninanamnam ang bawat nota. Naririnig ko rin na mahina niyang sinasabayan ang kanta. Ang mga mata niya’y tila nagtatanong kung totoo bang naririnig niya ang mga salita sa kanta, na para bang ang mensahe nito ay para talaga sa kanya.
Never thought about a day that I'll be needin' more
Of this feelin' I can't hide it to you anymore
The way you look the way you move you heatin' up the floor
Babe you got that somethin' special knockin' on my door
Ihinigpit ko ang hawak sa manibela habang dinadapuan siya ng tingin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang pagngiti rin niya. Itong mga simpleng sandali na ganito—sa loob ng sasakyan, sa gitna ng traffic, habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta—parang perpekto na ang lahat. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na kahit anong mangyari mamaya, nandito ako sa tabi niya.
Oh woah
Baby you know (baby you know)Know I can't control (know I can't control)
“Lance,” bulong ko, sabay lingon ulit sa kanya.
“Hmm?” tanong niya, nakapikit pa rin at tila nilalasap ang init ng musika.
Can't handle this feelin' babe
Stop teasin' me
No I ain't playin' games (ain't no playin' games)“Mahal kita,” sabi ko, walang pag-aalinlangan. Nakatingin ako sa kanya nang mas maigi ngayon, iniiwasan na ang daan para makita ang reaksyon niya.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...