30

7 2 0
                                    

Whiskey

*Alexander*


Simula noong gabing muli kong nakita si Candice ay hindi ko na talaga siya nakita pa. Hindi ko nalang inisip pa iyon dahil parang sasabog na itong utak ko. Sa bawat araw kasama ko lang si Lance. At nakikita ko rin ang mga kaibigan ko sa dance practice. Subrang busy din kasi ng lahat kaya hindi na nagkayayaan na gumala pa.

At iyong pagkawala ni Candice. Saglit lang na pinag-usapan ng grupo. Ang dahilan ni Kai ay nasa Davao raw ang kapatid niya dahil mayroon siyang kailangang gawin doon. Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya. Alam kong nagsisinungaling lang si Kai.

May tinatago siya.

Pero gaya nga ng sinabi ko. Hindi ko na iisipin iyon. Siguro dahil nawala narin iyong pagiging kuryuso ko.

"1,2,3,4,5,6,7,8 and slide then turn around!" Turo ko sa kanila.

" Woah kapagod, let's stop muna!" Pagod na sabi ni Jerome. Tumango ako dahil pagod narin. Basang-basa na ako ng pawis.

" Okay, dinner break. Balik tayo around 9!" Sabi ko.

(Someone's point of view)

"Shit! Tang ina!" Biglang sigaw ni Tea pagkapasok niya sa hideout namin, na condo ko rin. Sinabunutan niya ang sarili at humiga sa kama ko. Kumunot ang noo ko. Ano bang nangyari sa kanya?

"What happened? Rinig na rinig ko ang sigaw mo, Tea!" Sabi ni Cola, na kakatapos lang lumabas mula sa CR. Umupo siya sa kama at tumingin kay Tea—si Candice Lee.

"I fucked up again. Alexander saw me while doing my job!" Sabi ni Candice, malalim ang buntong-hininga.

Napatayo ako sa narinig. Tang ina! Noong una si Sofia, ngayon si Alex naman. Tumingin ako sa gawi nina Milk at Coffee. Tama nga ang hinala ko, galit ang makikita sa ekspresyon nila. Nakakatakot, lalo na si Coffee. Pero imbes na kabahan ako, nilapitan ko si Candice na nakaupo na sa kama.

Ang sinabi niya ay malinaw na indikasyon na maaaring may gawin si Coffee sa kanya. Noong una, pilit kong itinago ang tungkol kay Sofia, pero ngayon, ang tanging magagawa ko na lang para kay Candice ay ang panigan siya. Kung hindi ko iyon magawa, wala na akong magagawa pa.

Unti-unting lumapit si Coffee sa gawi namin. Pumagitna ako at hinarangan siya para hindi niya maabot si Candice. Sinamaan ako ng tingin ni Coffee, at biglang tumaas ang mga balahibo ko. Nakakatakot talaga siya. Kung magtatagal pa ito, baka maiihi na ako sa pantalon. I grabbed his nape, pilit na pinipigilan siya sa kung ano man ang balak niyang gawin.

Pero tumigil ang pangamba ko nang ngumiti siya nang nakakaluko. Iyong ngiti na parang tinutukso lang niya ako. Kumunot ang noo ko nang tumawa siya ng malakas. Tang ina, ano iyon? Naiinis tuloy ako.

Umupo ulit si Coffee sa tabi ni Milk habang hindi pa rin maalis ang malawak na ngiti sa mukha niya. Ganoon din ang ginawa ni Milk.

"Kalma, Whiskey! Wala naman akong gagawing masama kay Tea," tawang sabi niya. Napaupo ako sa kama, hindi pa rin maalis ang tingin ko sa gawi nilang dalawa.

"As we expected," sabi ni Milk, malalim ang tono ng boses niya.

"At first si Sofia, and now si Xander. Hindi coincidence ang lahat," sabi ni Coffee at sumandal ito sa upuan, habang nakangiti pa rin.

Mas kumunot ang noo ko. Nilingon ko sina Tea at Cola, parehong nakakunot na rin ang noo nila.

"Ano ba kasi ang pinagsasabi ninyong dalawa? At bakit alam ninyo ang tungkol kay Sofia? May alam ba kayo na hindi namin alam?" tanong ni Tea, halata ang kaba sa boses niya.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now