17

5 1 0
                                    

I want to be with you

*Alexander*


"Nasaan naba si Brent? Kainis! ang tagal ng lalakeng iyon, " reklamo ni Andy. Nandito na kaming lahat sa backstage pero wala parin si Brent.

Maaga kaming nagising ni Lance kaninang umaga kahit pa ang tagal naming natulog kagabi.  Pero kahit na gano'n ay masarap iyong pakiramdam ko pagkagising.

" Sorry... " Mahinang sabi niya habang magkatabi kaming nakahiga sa kama. Medyo maliit itong tinutulogan namin kaya halos magkadikit na ang mga balikat namin.

" What for?" Mahinang tanong ko habang nakapikit ang mata.

"Kasi sana hinayaan ko nalang na matulog ka kasama ko kanina. Muntik kanang mapahamak dahil sa akin." Sagot nito.

Iminulat ko ang aking mata at bumaling ng higa sa kanya. Ipinatong ko ang isang kamay sa unan at ipinatong ko ang ulo doon. Nakahiga lang siya habang nasa kisame ang tingin.

Isinisi yata niya ang sarili dahil sa nangyari sa akin. Pero hindi naman niya kasalanan iyon. Kanina gusto kong matulog kasama siya. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya iyon. Seguro kasi inaantok na ako no'n. But he refused, kasi hindi siya sanay na may katabing matulog. Kaya umuwi ako. Pero papunta na sana ako sa sasakyan ko ng may naramdaman akong nakasunod sa akin. May sumulpot naman na tatlong tao sa harapan, may hawak silang baril at kutsilyo. Kinakabahan na ako. Nanginginig na ang tuhod na halos hindi ko maigalaw ang mga paa. Takot na takot talaga ako. Akala ko katapusan ko na, pero hindi naman ako sinaktan nag tatlong tao sa harapan. They actually saved me.

Kaya buhay pa ako ngayon. Sa totoo lang mas natakot ako ng sabihin ni Brent na nandoon din sina Lance at Kai sa mga oras na 'yun. Natakot ako na baka nadamay sila. Pero kinalma ko lang ang aking sarili at inisip na okay lang sila. Ayaw kong pangunahan ng takot. Kaya nang nakita kong okay lang sila ay napangiti ako. Naging panatag ako ng makita si Lance na kumakain sa harap ng pinto.

Bumuntong hininga ako. " Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalan. Tiyaka... biglaan ko lang naisip iyon na... magtabi tayong matulog."

Humarap ito sa akin at ginaya ang ginawa ko. Kahit madilim dito sa kwarto ay nakikita ko parin ang mukha nito. He looks concerned and unhappy. There's this sadness in his eyes. Ngumiti ako sa kanya pero ganoon parin ang mukha niya. Nakatitig lang ito sa akin.

"Sorry..." Sabi ko sa kanya.

"For what?"

"Kasi iniisip mong kasalan mo at nag aalala ka sa akin."

"Mag-aalala talaga ako sayo kasi... we're friends! "

" Yeah... right... we're friends." Sagot ko. Ngumiti naman ito at tumalikod na sa akin.

Katahimikan. Tulog na yata siya. Ganoon parin ang posisyon ko. Nakatingin lang sa likod niya.

We're now official!... Official friend. Napangiti nalang ako. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang sarili. Basta makita ko lang na masaya siya, na okay siya... gumagaan ang pakiramdam ko. Nagiging masaya ako. Iyong tipo na bigla mo nalang naiisip ang mga bagay-bagay at hindi mo na napansin na ginagawa muna pala. Iyong nabibigla ka lang sa mga sinasabi mo. Kasi parang hindi tamang sabihin at gawin iyon.

Dumaan ang ilang minuto pero hindi parin ako makatulog. Kahit anong pikit ko at pilit na matulog ay hindi talaga. Nakatitig lang ako sa likod ni Lance. Tulog na kaya siya?

"Lance..." Tawag ko.

" Uhm," sagot nito. Akala ko tulog na siya. Hindi din ba siya makatulog? Hindi nga pala siya sanay ng may katabi.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now