Movie
*Alexander*
Hindi ko na kilala itong sarili ko. May mga bagay na kusa ko nalang ginagawa at nararamdaman. Subrang labo talaga. Pero hindi naman lahat ng bagay ay kailangan mayroong paliwanag. Kaya seguro hindi ko maintindihan itong sarili ko.
Hindi ka naman ganito dati Alexander!
Aware naman ako sa sarili ko at alam ko rin kong anong gusto ko. Pero bakit kapag nakikita at nakakasama ko siya ay napapangiti ako. Naging masaya ako. Parang sumasayaw sa saya itong puso ko. Iyong kahit pa mayroong problema ka ay nawawala nalang bigla. Kapag alam mong malungkot siya ay gusto mong pasayahin ito.
At...
Gagawin mo ang lahat maprotektahan lang siya.
Hindi, wala lang itong nararamdaman ko.
"Thank you so much FU dance company!"
Natapos narin ang pangatlong performance namin. Last day na ng event kaya mas madami naring tao ang nandito. Open na kasi ang school sa mga outsiders kaya subrang daming tao talaga dito ngayon. May mga pulis at medical units din ang nandito para sa safety ng mga tao. Nasa open space kami ng school. Kung saan subrang lawak talaga ng lugar na ito. May mga iba't ibang booths sa bawat bahagi. Habang may malaking stage sa unahan para sa mga performances.
"Alex! I liked your new haircut..." Ngiting sabi sa akin ni Candice pagdating sa backstage. Tumawa ako ng bahagya at kinamot ang batok.
Nagpagupit na kasi ako kaninang umaga. May nagsabi kasi na gwapo raw ako kapag maayos ang gupit kaya pinaiksi ko na ang buhok ko. At totoo naman iyon, nakakapogi nga talaga kapag maayos iyong hairstyle mo. Pero naka eyeglasses parin ako dahil nasanay na.
"Thank you!" Sagot ko sa kanya. Lumapit naman sina Mikael at John sa amin.
"Candice! Let's go..." Sabi ni Mikael. Ngumiti naman sila sa akin.
"Kuya Alex, punta na kami sa booth namin, kailangan na kasi kami doon." Sabi naman sa akin ni John. Tumango ako at ngumiti.
"Alis na kami Alex, at sana pumunta ka sa booth namin." Sabi ni Candice.
"Segi, pupunta ako mamaya." Ngiting tugon ko.
[Someone 's Point of View]
" Code Red! Maghanda na kayo para bukas." Ang sabi ni Madam Violet. Umalis na ito sa kwarto.
" Nakakainis talaga ang school admin na iyan! Pinapahirapan pa tayo. Masakit na ang kamao ko sa nakaraang labanan. " Inis na sabi ni Whiskey.
" Baka may magagawa pa si Coffee para dito. Kakapatay lang natin noong nakaraang araw tapos ngayon papatay na naman tayo." Si Cola habang pinupunasan ang kanyang baril. Umupo ako sa kama at nagsimulang ayusin ang mga dadalhin para bukas. Kailangan na naming maghanda dahil maraming tao bukas at madali lang para sa mga blacks na gawin ang mga binabalak nila. Nagsimula na naman silang kumilos. They're eager to get the core. Pero hanggat nandito kami, hinding hindi sila magtatagumpay.
" Wala na siyang magagawa, pati si Milk hindi napigilan ang mga admin. " Sagot ni Tea.
" Our mission is to protect the core. Madali lang naman sa atin na gawin iyon. Kung kailangan nating pumatay ulit ay gagawin natin iyon." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila bilang tugon.
"Milk!" Tawag sa akin ni Tea.
"Yes?"
"Coffee called me kanina, and he said na siya na raw ang gagawa ng mission one." Nilingon ko siya na nakakunot ang noo.
YOU ARE READING
Milk and Coffee
RomanceAlexander Firethorn, son of the owner of Firethorn University, harbors a passion for dance that burns brighter than any family legacy. However, his dreams of starting a dance club are jeopardized when the signature of the Student Government Presiden...