35

7 1 0
                                    

Kuya Drake

*Alexander*




"Who really are you?" tanong ko habang unti-unting lumalayo sa kanya. Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Lance. Nakatitig lang ito sa akin. Pero halata sa mata niya ang pagkagulat din sa nangyari.

Bumuntong hininga siya. " You're afraid of me," madiin at malungkot niyang pagsabi.

Napahinto ako.

Teka, tama ba itong nakikita ko?

Umiiyak siya.

Kahit gulat parin ako sa nangyari. Hindi parin maalis sa akin ang mag-alala sa kanya. Sa kabila ng lahat siya parin si Lance, ang boyfriend. Pero takot nga ba ako sa kanya? Siguro ay oo. Ngayon ko lang nakita siyang ganoon, mala demonyo kung makatingin. Walang takot na pumatay at papatay.

Halos nawalan narin ako sa tamang pag-iisip. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang papaano niya binaril kung sino man ang nasa likod ko. Iyong hitsura niya na... nakakatakot.

Pero para makita siyang umiiyak. Parang tinusok ng libo-libong karayom itong puso ko.

Mapait siyang ngumiti at dahan-dahang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Makinig ka sa akin. Kunin mo itong baril ko dahil kapag dumating ang delubyo ay wala na ako sa tabi mo. Hindi na kita kayang protektahan," ano ba ang sinasabi niya?

Delubyo?

Ibinigay niya sa akin ang hawak na baril. Gustuhin ko mang itapon iyon pero hindi ko magawa. Hinayaan ko lang na bitbitin iyon ng kamay ko.

"Pero kahit wala na ako sa tabi mo. Gagawin ko parin ang lahat maging safe ka lang. Mag-iingat ka," pagpapatuloy niya.

Nanatiling nakatitig ako sa kanya. Habang unti-unti siyang lumalayo sa akin.

" And kung magkita kayo ulit ni Drake. Please lumayo ka sa kanya," huling salitang binitawan ni Lance bago siya mawala sa paningin ko.

Nung nawala na siya sa paningin ko tiyaka ko lang napagtanto na subrang na miss ko siya. Miss na miss ko siya pero hindi ko man lang nagawang mayakap siya.

Nadala ako sa takot ko.

Pero sinong Drake ang tinutukoy niya? Na kailangan kong layuan.

At bakit ko lalayuan?

Pero sa hindi inaasang pagkakataon, nakita ko ulit siya. Ang lalakeng tinuturing kung kuya.

Nakita ko siya—si Kuya Drake, nakatayo sa gilid ng rooftop, ang madilim na kalangitan sa likuran niya, parang isang anino na sumasakop sa buong lugar. Para siyang halimaw na nag-aabang. Hawak niya ang isang baril, at kitang-kita ko ang malamig na ngiti na naglalaro sa mga labi niya, tila ba nag-eenjoy siya sa mga nangyayari.

"Kuya Drake?" Tanong ko, halos hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nanginginig ang boses ko habang dahan-dahan akong umaatras, napipilitan na lang ilayo ang sarili ko sa kanya. Pero hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya, sa baril na hawak niya, at sa ngiti niyang nagiging mas nakakatakot bawat segundo.

"Bakit... bakit mo ginagawa 'to?" Pilit kong tanong, umaasang mali lang ako sa iniisip ko—na baka may paliwanag ang lahat ng ito. Baka misunderstanding lang ito, o baka... may dahilan siya. Pero alam ko na rin, sa puso ko, na walang kahit anong paliwanag ang makakapawi sa takot na nararamdaman ko ngayon.

Ito ba ang gustong ipahiwatig ni Lance na lumayo ako?

Tumawa siya, pero walang kahit konting warmth o pagmamahal sa tunog ng tawa niya. Wala na ang lalaking naging Kuya Drake ko—ang taong tumulong sa akin, nagprotekta, at laging nandiyan para sa akin. Iba na siya. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay hindi na siya.

Milk and Coffee Where stories live. Discover now