"Ipaggawa mo nga ako ng essay!"
Pangungulit sa kaniya ni David at sinamaan naman niya ito ng tingin saka bumalik sa ginagawa niya. Ka-video call na naman niya ito ngayon habang gumagawa siya ng school works.
Ngayon ay halos isang buwan na mula nang magsimula ang klase nila at sobrang hellish na agad.
Is it really like this kapag graduating??
"Ang dami ko pang kailangan gawain ha! Kaya mo na 'yan!"
"Hina ko naman sa'yo."
Pagdadrama pa nito kaya naman sandali muna niya muling itinigil ang sinusulat na sariling essay at tiningnan ito.
"Bakit 'di mo ipagawa kay Crelle?"
"Madami siyang problema ngayon. Ayokong dumagdag."
"At ako?? Marami din akong pinoproblema hoy!"
Nagpout na lang ito at naasar na lang niya itong tiningnan saka bumalik sa sinusulat. Hindi lang naman si Crelle ang namomroblema ngayon sa dami ng gawain.
Pero balita nga niya ay maraming backlogs si Crelle at nahihirapan ito makisabay dahil hindi ganoon kastable ang internet connection ng mga ito sa bahay.
"Ako na bahala sa physics mo, basta gawain mo lang essay ko."
Natigilan siya saka napangiti nang malawak dahil sa sinabi nito.
"Sure ba 'yan?"
"Oo nga! Ikaw na sa essay, ako na sa computations."
Tila nagpalakpakan ang kaniyang mga tenga dahil sa narinig. Magaling kasi talaga si David sa computations, na siya namang ikinahina niya.
Well, kaya naman niya pero sa dami ng gawain niya ay wala na siyang time aralin pa kung paano icompute ang problems sa physics subject nila. Malaking tulong nga kung si David ang gagawa non.
"Tama ba naman 'yan?"
"Ayan ka na naman eh! Pagdududahan mo na naman ako."
"Kaya nga tayo bestfriends 'diba?"
Natawa silang dalawa nang maalala kung paano sila naging magbest friend. Noon kasing Grade 10 sila ay may pinasagutan sa kanilang math problems at noong ipapasa na niya ang papel niya ay pinakielaman ito ni David.
Mali daw ang sagot niya, sabi nito. Hindi naman siya makapaniwala dahil una sa lahat ay sino ba ito? Tsaka iyon ang pinaka una nilang interaksyon kaya naman nainis siya dito.
Like sino siya para itama ako 'diba??
Hindi pa siya naniwala dito noong una ngunit sadyang pakielamero ito dahil ito pa talaga ang nagpalit ng sagot niya sa papel.
"Mali naman kasi talaga ang sagot mo! Magthank you ka sa'kin kasi itinama ko."
"Duda pa ako noon sa'yo eh."
"Oo talaga! Kinailangan pa kitang kaladkarin kay Josh para patunayan na 'di ako basta basta sa math."
Natawa siya lalo nang maalala ang panahon na iyon. Pauwi na siya ngunit hindi matatahimik si David hangga't hindi napapatunayan sa kaniya noon na magaling ito sa math.
Dinala pa siya nito noon kay Josh, kaibigan nito na medyo kaclose din niya dahil naging kaklase niya ito noong Grade 7 sila.
Medyo naging crush din hehehe....
"Ang yabang mo din eh."
"Ang baba ng tingin mo sa'kin kasi."
"Ang random mo kasi! 'Di pa tayo close tapos bigla bigla mong haharangin 'yung papel ko at sasabihin mong mali? Like duh? Anong mararamdaman mo kung ikaw 'yung ginanon ng random stranger? Hmm?"
BINABASA MO ANG
The Unwritten Epilogue
Teen FictionHow to say "I'm still waiting for you" without actually saying it?