"Nagdinner na kayo? Kain muna kayo."
Kakarating nga lang ni Kino at Chris habang siya naman ay iniabot sa dalawa ang wrist band na kailangan isuot para malaman ng owner ng resort na magkakasama sila.
"Nasaan ang parents mo?"
"Bakit?"
"Magbebless ako."
Kinilig siya doon at sinamahan ito papunta sa Mama niya habang hinahanap naman niya ng tingin kung nasaan ang Papa niya.
"Bati na kami ni Kino!"
Natawa siya sa Mama niya dahil talagang itinaas pa nito ang kamay ni Kino para ipakita sa lahat na bati na sila.
"Ang Papa mo?"
"Nasa pool eh, mamaya ka na magbless. Basa 'yon."
"Okay lang?"
Nakangiting tumango naman siya dito at pinakain na ang dalawa. Maya-maya ay dumating na rin sina David at Hex.
Napagod daw ang mga ito sa maghapon na pag-eenrool at isabay mo pa ang mahabang byahe kaya umakyat muna ang mga ito para humiga saka magpahinga.
"Bumaba na lang kayo mamaya 'pag nagutom na kayo ha? May alak din sa baba if want niyo pero kumain muna kayo."
Bilin niya kay David at Hex bago iniwan ang dalawa sa kwarto. Siya naman ay kasama ngayon si Kino at ipinakilala ito sa mga kaibigan niya.
"Ligo tayo, Kino?"
"Sige."
"Tagay muna dito!"
Pag-aaya ng mga pinsan niyang lalake at nagkatinginan muna sila ni Kino.
"Dito ka muna?"
"Okay lang, magpalit ka muna. Aantayin kita dito."
"Kayo na muna bahala kay Kino ha? 'Wag niyong papainumin nang marami 'yan."Bilin naman niya sa mga pinsan niya bago umakyat para magpalit ng damit panligo. Nang makababa siya ay nilapitan siya ni Kino.
"Gusto mo sa dagat tayo?"
Tanong nito dahil may ilan ngang mga taong naliligo sa pool pero walang tao sa dagat.
"Sige, tara."
Nagshower muna sila para mabasa bago tuluyang pumunta sa dagat. Kita niya ang mga tao sa paligid na kaniya-kaniya ang way ng pagsasaya.
Sina Miya ay nag-iinom na at kasama nito ang mga kaklase nitong inimbitahan din nito. Natatawa nga siya noon dahil mas nauna pa itong mang-invite ng mga kaibigan nito kaysa siya na mang-invite sa mga kaibigan niya.
"Uy, 'di kayo liligo?"
Tanong niya kay Chris at sa kaklase ni Miya nang makita ang dalawa sa may tabing dagat na nag-iinom.
"Mamaya na lang, pampahulas."
"Sige, may alak pa doon ha? Kumuha lang kayo sa box."
Tumango ang mga ito at sila naman ni Kino ay dumiretso na sa dagat.
"Palagi kang pa-sexy eh."
"Ha?"
Natatawang tanong niya at umiling na lang ito. May kalakasan ang alon ng dagat ngayon pero ayos lang naman sa kaniya.
"Hawak sa'kin, bata."
Kinikilig na tinanggap niya ang kamay ni Kino para siguro masiguradong hindi siya tatangayin ng alon.
"Pinainom ka ng mga pinsan ko?"
"Isang shot lang naman tapos ayun, kinausap na ako."
"Anong sabi sa'yo?"
BINABASA MO ANG
The Unwritten Epilogue
Teen FictionHow to say "I'm still waiting for you" without actually saying it?