Page 21

1 1 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na siyang nagising dahil mag aalas tres na nang matapos ang video call nila ni Kino. Maganda ang gising niya dahil sa nangyari kagabi.

"Nangyari ba talaga 'yon? O nanaginip lang ako?"

Chineck niya ang phone para siguraduhing nangyari talaga ang video call kagabi at nilamon siya ng kilig nang mapatunayan na totoo nga ang lahat.

Sayang! 'Di ko narecord!

Sobrang bilis din kasi at talagang hindi niya inaasahan. Habang nakatingin sa bakas ng video call nila kagabi ay late niyang napansin ang chat ni Kino kanina pa habang tulog siya.

***
Nikolai De Vera

12:06 p.m.

'Nasa dagat kami'

'(Sent a photo.)'

1:31 p.m.

'Buhay ka pa?'

***

"Ano ba 'yan? Parang walang nangyari kagabi ah?"

Hmp!

Pero ayos na rin 'yon at hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Nagkwento pa ito na kasama nga daw nito ang mga Tito nito sa dagat. Siya naman ay masaya lang na ipinagpatuloy ang araw niya.

Sobrang ganda ng mood niya ngayon at ikinuwento pa niya kay David ang nangyari. Wala naman na itong magagawa pa kahit magalit ito sa kaniya dahil napalapit siya kay Kino.

Wala din siyang ibang pagkukwentuhan dahil natatakot siyang magkwento kay Diane at baka tuktukan lang siya nito sa sobrang kagagahan.

Worth it naman! Crush na rin ako ng crush ko!

"Masaya ka naman?"

Tanong ni David sa kaniya at nakangiti naman siyang tumango.

"Sobra! Maiba ako, kamusta ka pala? Ang tagal din nating 'di nagvideo call ah?"

"Puro ka kasi Kino."

"Sorry na! May jowa ka rin naman."

Natawa ito saka ibinalita sa kaniya na hindi ito nakapasa sa pangalawang university na pinag applyan nito. Hindi naman sa hindi totally nakapasa, wait listed ito pero knowing David, aayaw na agad ito doon.

"Mukhang magkasama pa rin talaga tayo ng university sa college."

Natatawang sabi nito at okay lang naman sa kaniya iyon para kahit papaano ay may kakilala nga siya sa college.

"Si Diane nga din eh hindi daw nakapasa d'yan. Wait, anong sabi ni Crelle?"

"Nakapasa siya. Wala namang siyang magagawa kung 'di ako nakapasa. Alangang 'di ako mag-aral. Buti nga nakapasa ako sa unang university eh."

"Wait listed ka lang naman ah?"

Nalulungkot siya para kay David dahil alam niyang dream school ito ng kaibigan. Dito rin kasi graduate ang Kuya nito kaya mas maganda kung doon rin ito magtatapos.

Kaya lang naman ito nag apply rin sa university na inapplyan niya ay dahil gusto nito na magkasama pa rin sila sa college.

"Baka hindi computer engineering ang ioffer sa'kin. Ayaw mo ba akong makasama sa university?"

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon