Page 40

5 1 0
                                    

"Binati ako ng jowa ni Nene."

"Mama!"

Saway niya sa Mama niya dahil nang makauwi sila ay ito agad ang ikinuwento nito sa Papa niya. Hindi kasi nakasama ang Papa nila kanina dahil walang magbabantay ng shop.

"Kaya pala tinging-tingin sa'yo 'yung Tita niya."

"Hindi nga po ako kilala non."

"Weh?"

Ayaw pa talaga maniwala ng Mama niya kaya natatawang pumasok na lang siya sa loob ng kwarto dahil totoo naman. Hindi naman talaga siya kilala ng Tita nito pero napansin nga niya na nakatingin ang mga ito sa kaniya kanina.

"Kamusta, mahal?"

Pangangamusta sa kaniya ng boyfriend niya dahil hindi siya makapagchat dito kanina. Wala kasi siyang cignal sa St. Joan kanina kaya ngayon lang siya nakapagchat dito.

"Nakita ko si Kino kanina."

"Ahh nandoon siya?"

"Oo, gawa ni Chris. Magpinsan 'yon 'diba?"

Tumango ito at naalala na naman niya ang mukha ni Kino kanina.

"Anong nangyari?"

"Wala naman. Hindi naman kami nag-usap. Hindi ko nga tinitingnan nang matagal kasi baka mahuli ako."

Natatawa niyang kwento kaya napatawa rin ito saka ito naman ang kinamusta niya. Sandali lang naman sila nitong nag-usap dahil pagod na rin siya kaya maya-maya ay pinatay na nito ang tawag.

Muli ay sumagi sa isipan niya si Kino kaya napabuntong hininga siya. Iniisip pa rin niya na what if nagtinginan sila kanina? What if nag-usap sila?

"Nagsisisi ba ako na 'di ko siya kinausap?"

Marami sana siyang gustong itanong dito katulad na lamang ng kung ano talaga ang naging rason para masabi nito na hindi siya ang babaeng hinahanap nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin niya alam.

Gusto rin sana niyang itanong kung bakit kailangang icut off siya nito pati sa social media. Akala ba niya ay hindi sila bad blood nito.

"Ang daya mo talaga kahit kailan eh."

Hindi niya sinasabi kay Gene pero madalas parin ang mga gabing napapanaginipan niya si Kino. Hindi niya alam kung bakit perp sure naman siya na hindi niya ito iniisip bago matulog.

Ano bang meaning kasi non??

"Ate, pwede ko nga kayang isama si Kuya Kino sa eighteen roses ko?"

Tanong ni Ate Ven sa kaniya dahil mukhang nafafinalize na ito ng invitations.

"Itanong mo."

"Hindi ko nga friend 'yon."

"Hindi ko rin naman friend."

Natatawa niyang sabi dahil hindi naman talaga. Parang ang kapal naman ng mukha niya kung iceclaim pa niya na kaibigan niya ito matapos siyang icut off.

"Itatanong ko na lang kay Chris kung pwede."

"Oo kasi baka mamaya ay nakabalik na pala sa Laguna 'yon."

Tumango ito at iniisip niya na kung sakaling aattend nga si Kino sa debut ni Ate Ven ay aabutan din nito ang 20th birthday niya dahil magkasunod lang naman sila ni Ate Ven ng birthday.

"Chris!"

Pagtawag ni Miya sa aso nito kaya natatawa siya.

"Bakit ba Chris ang pangalan niyan?"

"Si Chris kasi ang kasama ko noong binili ko 'to. Sabi niya ay kakaltungin daw niya kaya ipinangalan ko sa kaniya."

"Alam ba niya na kapangalan niya ang aso?"

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon