Page 27

1 1 0
                                    

"Ang aga mo."

Papikit-pikit pa niyang sabi nang bumangon si David para magtoothbrush kaya nagising rin siya. Tiningnan naman niya si Kino na malalim pa ang tulog.

Anong oras na din kasi ito nang makatulog dahil nakiusyoso pa sa chikahan nila ni Tala ito. Kilala daw nito si Cerix dahil taga manalang din iyon at naging kaklase daw nito dati noong elementary.

"Nilalamig ako."

"Babaan ko ba ang aircon?"

"Huwag na. Lalabas na lang ako."

Tumango siya at pinakatitigan ito kaya kumunot ang noo niyo sa kaniya.

"Hindi bagay sa'yo, David."

"Bakit ka kasi gan'yan kung makatingin sa'kin. Baka magselos si Kino mo n'yan."

Mahina siyang natawa saka nagpasalamat dito dahil sa pagpunta nito sa birthday niya kahit galing pa ito sa malayo kagabi.

"Best friend nga talaga kita."

"Wala akong choice eh."

Natatawang sabi nito at napasimangot naman siya. Nagpaalam na itong lalabas muna kaya tumango siya dito.

Hinanap naman niya sina Setty at Tala tsaka ang iba pa nilang mga kaibigan ngunit wala ang mga ito sa room. Naalala niyang nagsabi nga pala ang mga ito kagabi na gigising nang maaga para maglakad-lakad sa tabing dagat at kuhanan ng time lapse ang sunrise.

"Anong oras na ba?"

Tumingin siya sa relo niya at nakitang quarter to five pa lang nang umaga. Muli ay humiga siya at yumakap naman sa kaniya si Keann dahil nilalamig din siguro ito.

Kinumutan na lang niya ito dahil wala siyang lakas para bumangon ulit at hinaan ang aircon. Natulog na lang siya ulit at nang magising ay siya na lang ang natitira sa room.

"Nasaan na si Kino?"

Naghimalos muna siya saka nagtoothbrush bago bumaba at doon ay nakita niyang kumakain na ng breakfast ang mga tao. Nandoon na rin si Chris na mukhang kakabalik lang.

"Good morning, birthday girl!"

Bati ni Kuya Benz sa kaniya, ang isa nilang basketball player saka inakbayan siya at ginulo ang buhok.

"Ang aga-aga!"

"Wasted ka kagabi eh."

Pang-aasar nito sa kaniya ay itinulak niya ito papalayo. Hinanap ng mata niya si Kino at nakita niya itong nakaupo kasama sina David at Hex.

Hinayaan na lang niya muna ito dahil mukhang nag-eenjoy itong kakwentuhan ang dalawa. Napangiti siya dahil sa wakas ay may ibang kinakausap si Kino maliban sa kaniya.

"Kumain ka na, Ate?"

"Hindi naman ako nagugutom. Mamaya na, kayo ba?"

"Oo, kanina pa. Liligo na ulit kami."

Natawa siya kay Maui at naligo na nga ang mga ito sa pool.

"Ang tagal naman bumalik nina Tala."

Baka mamaya ay kung saan na nakarating ang mga iyon. Nang mahiwa-hiwalay sina David, Hex at Kino ay saka lang niya sana balak lapitan si Kino pero naunang lumapit sa kaniya si David.

"May muta ka pa."

"Wala naman! Liligo kayo ni Hex? Ligo kayo, 'di ata kayo naligo kagabi eh."

"Oo na, liligo na."

Napangiti naman siya doon saka tuluyang nilapitan si Kino.

"Ligo tayo?"

"Bahala ka na sa buhay mo."

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon