Page 31

2 1 0
                                    

Talagang nagmamatigas si Kino sa kaniya at ayaw sagutin ang mga tawag niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na si David ang kacall niya kanina kaya hindi niya nasagot ang tawag nito dahil lalo itong magtatampo. Kailangan niya tuloy magsinungaling.

Sorry, Kino...

***
Nikolai De Vera

'Wtf kino naka group call kami
ng mga pinsan ko kanina'

'Sagutin mo wag kang ano dyan'

'Nah'

'Parang bata to oh'

'Kino naman'

'Di mo naman sinabing
tatawag ka ee'

'Kino isa'

'👍'

'Kino tigilan moko sa ganyan'

'Kakaltukan kita'

***

Muli ay sinubukan niya itong tawagan ngunit talagang matigas ang bungo nito dahil hindi talaga nito sinasagot iyon.

"Ginaganito-ganito mo na lang ako ha? Porket alam mong mahal ka eh!"

Nakakainis!

***
Nikolai De Vera

'Sige pagringin mo lang
bwiset ka'

'Wtf kino ang gold mo ha'

'Shuta gabi na iresched mo
yang tampo mo at akoy hindi
maalam magpaamo ng bata'

***

Nauubos na ang pasensya niya dahil hindi rin naman ito nagrereply sa kaniya kaya hindi na muna siya nangulit. Napaka unfair nito para magtampo ito nang ganito sa kaniya habang siya ay hindi naman nagtatampo nang matagal dito.

"Sinusubukan mo talaga ako eh!"

"Problema mo, Ate?"

"Si Kino! Nakakainis!"

Tinawanan lang siya ni Miya habang siya ay hindi na mapakali sa inis. Sandali lang niya itong tinigilan at maya-maya ay nagchat na ulit siya dahil hindi naman niya ito kayang tiisin.

Ang gold mo talaga!

***
Nikolai De Vera

'Hoy'

'Ang angas mo naman'

'Kung akala mo manunuyo ako'

'Sorry na'

'Hays'

'Di ko alam bat ako nagsosorry
ha gago ka'

***

Ngunit lumipas ang isang oras ay hindi parin talaga siya nito pinapansin kaya napabuntong hininga na lang siya. Siguro ay tinatawanan siya nito ngayon habang siya ay hindi na mapakali kung paano ito hindi na magtatampo sa kaniya.

"Ang sakit mo naman, Kino."

Sa huling pagkakataon ay nagmessage siya dito at kung hindi pa talaga ito magrereply ay tutulog na lang siya.

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon