Kakatapos lang niya kumain ng dinner nang makita niya ang chats ni Nikolai. Napangiti na naman siya nang maalala ang mukha nito kanina na sobrang gwapo.
***
Nikolai De Vera'Nako'
'D man lang ako sinuntok'
'Mahinang klase'
'Ay di ba kita nasuntok?'
'May sinuntok ako kanina
HAHAHA DI BA IKAW YUN?
IKAW ATA? HAHHAA JOKE
JUSQ ANO BA'***
Hindi na niya maalala ang mga nangyari kanina dahil sa sobrang dami at sobrang saya. Parang si Vincent ata ang naaalala niyang nasuntok nga niya sa braso dahil asar na asar na siya dito. Matagal pa ulit bago nakareply si Nikolai sa kaniya. Akala nga niya ay natutulog na ito rh.
***
Nikolai De Vera'Tae lowbat'
'Fistbump oo'
'Oks na yun haha'
***
"Buti naaalala mo pa."
Small things...
Kinabukasan ay bumalik na naman sila ni Nikolai sa routine nila. Manghihingi ito ng modules at ibibigay naman niya pero this time ay hindi na siya nakatiis. Ipupush na niya talaga to the limit ang pagtulong dito.
***
Nikolai De Vera'Ilan pa gawain mo? HAHHAA'
'Cl na lang'
'Kaso dalwang cl'
'Hahahaha'
'Ano ano? HAHAHA'
'Cl11 at cl12 yun na lang
kulang ko''2 nga pala cl mo HAHAHA'
'Tig ilan pa halos'
'7 sa cl12'
'10 sa cl11'
'Kadami HAHAHA'
'Ano ano sa g12?'
'Lapag at ating tatapusin
jusq ka''(Sent a photo.)'
'Ako dito'
'CI 11 ang gawin mo'
'Oke''Salamats lode'
Saka ka magpasalamat pag
naka toga ka na HAHHAHAH***
Kailangan na niyang tulungan si Nikolai nang todo dahil kaunti na nga lang ay graduation na nila. Month of May na ngayon at sa June na ang graduation nila.
"Buti na lang talaga face-to-face this time ang graduation."
Noong grade 10 kasi sila ay virtual lang ang moving up nila. Kaya naman magandang bagay talaga na makaranas naman sila this time ng face-to-face na graduation.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Epilogue
Teen FictionHow to say "I'm still waiting for you" without actually saying it?