Page 30

2 1 0
                                    

"H-ha?"

Parang nabingi ata siya sa sinabi ni Kino dahil ayaw iprocess ng utak niya iyon.

"Sabi ko aalis na ako bukas. Babalik na ako sa Laguna."

Prank ba 'to??

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Malungkot na tanong niya at matamang tumingin naman ito sa kaniya saka ngumiti nang mapansin siguro ang pagbaba ng mood niya.

"Babalik naman ako. Magbibirthday lang si Ate Xen."

"Promise? Babalik ka?"

"Oo."

Nginitian niya ito at umaasa siyang babalik nga ito. Naniniwala siyang totoo iyon dahil last time na umuwi ito sa Laguna ay totoong bumalik nga ito dito.

Umisod ito papalapit sa kaniya saka pumwesto sa pagitan ng mga hita niya at sumandal sa katawan niya. Ito na ata ang pinaka cute na ginawa nito. May kabigatan nga lang ito pero okay lang sa kaniya.

Susulitin ko na ito....

"Kailangan mo ba talagang umuwi?"

"Oo nga pero babalik nga ako."

"Sige."

Nalulungkot pa rin siya pero wala naman siyang magagawa. Nandoon pa rin ang buhay at pamilya ni Kino.

"Parang ako ang babae sa'tin ah."

Natawa siya dahil ang tinutukoy nito ay ang pwesto nila ngayon na ito ang nakasandal sa kaniya. Wala namang kaso sa kaniya iyon. In fact ay nagugustuhan niya ito dahil amoy na amoy niya ang buhok ni Kino.

"Okay lang."

"Sabihin mo 'pag nangangalay ka na ha?"

Muli siyang natawa saka umiling dahil magmanhid man ang buong katawan niya ay hindi niya papakawalan ang posisyon nilang ito.

"Nag-aya pala sina Zeryll at Cara na mag camp bukas."

"Sasama ka?"

"Hindi ko alam eh. Pinag-iisipan ko pa pero baka hindi? Ewan."

Tumango-tango ito at nagkwentuhan pa sila hanggang sa humiga na ito sa mga hita niya kaya mas napangiti siya. Natutuwa siya na ganito kakumportable si Kino sa kaniya.

Sa'kin ka lang dapat gan'yan ha?

"Tingnan mo 'yung eroplano. Saan kaya papunta 'yan?"

Natawa siya sa random na tanong ni Kino at tiningnan niya ang eroplano sa langit.

"International? Gabi na eh. Joke, ewan ko pala. Wala naman akong alam sa mga gan'yan."

"Ako din eh."

Muli ay nagkwentuhan sila hanggang sa mapansin niya ang kinuha nito kanina na Minion surprise egg.

"Bakit mo ba binili 'to?"

"Para sa'yo 'yan."

"Sabi mo sa'yo?"

Tinawanan na lang siya nito saka bumangon para tingnan. Binuksan naman niya iyon at napangiti siya nang makita ang laruan sa loob.

Para iyong maliit na hinihipan tapos iikot ang image ng minion. May kasama din iyong cheap-looking na candy kaya binuksan niya para tikman at napangiwi siya sa lasa.

"Bakit?"

"Ang pangit ng lasa. Tikman mo."

Binigyan niya ito saka kinain at natawa din siya dahil pareho sila ng reaction. Maya-maya ay naubos na ang chupa chups niya pero nasa bibig parin niya ang stick kaya hinigit iyon ni Kino.

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon