Page 7

2 1 0
                                    

Natatawa na naman tuloy siya dahil sa lahat ng kagrupo niya ay ito lang ang nagtanong sa kaniya ng tungkol sa mga gawain pa nila sa study nila.

"Ang OA naman pero very good ha?"

Napapailing-iling na nireplyan niya ito kaagad dahil baka nga nag ooverthink na ito. Wala nga naman siyang ibinibigay na tasks para sa Chapter 5 nila.

Balak niya kasi na siya na lang ang gumawa dahil alam niyang panay nagcacram ngayon sa ibang subjects ang mga kagroup niya. Naaappreciate niya tuloy ang concern ni Nikolai dahil kung tutuusin ay mas mabigat at mas madami ang mga gawain nito pero naaalala pa rin nito ang research nila.

***
Nikolai De Vera

'JAHAHA INAALAM KO PA
KUNG PANO EH HАНАНА
ТЕКA LANG HA'

'Ok ok np'

'Pede ka sa part na
recommendations? Yun
na lang kulang eh'

'Parang irerecommend mo
lang kung anong mga iba
pang things na pwedeng
gawin para mas maging
maayos yung research sa
susunod na may gagawa
non'

***

Malugod naman iyong tinanggap nito kaya napangiti siya. Nagkamali talaga siya ng pagkakakilala dito dahil ang akala niya ay hindi niya ito maaasahan pero mali siya. Ito pa ngayon ay halos katulong niya sa pagtataguyod ng paper works ng study nila.

***
Nikolai De Vera

'Mitchella'

'Bakit?'

'Nakagawa ka na nung sa
narrative ng webinar?'

'Ah oo'

'Bakit?'

'Need mo?'

***

Ganito lang halos ang araw-araw nilang buhay ni Kino nitong mga nakaraang araw. Para tuloy silang acad buddies ngayon at nagugustuhan niya iyon dahil masaya siyang tulungan ito. Hindi naman na kasi ganoon karami ang gawain niya.

***
Nikolai De Vera

'May format ba yun'

'?'

'Oo nasa gc'

'Di mo makita?'

'No'

'Pede pasend?'

'Sige wait send ko sayo ung
format'

'Sige salamat mitchella'

'(Sent a photo)'

'Eh yung sa mismong pag
susulat ng narrative?'

'Paragraph? hshs alin ba?'

'Ano isusulat dun?'

'Ahh tungkol saan like anong
nangyari'

'Then anong natutunan mo'

'Realizations ganorn'

'Ahhh oki oki'

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon