Page 9

2 1 0
                                    

Nagreready lang siya ngayon ng gamit niya para sa nalalapit nilang retreat sa school. Excited na siyang makita ulit ang mga kaklase niya, lalo na ang mga kaibigan niya.

Lalo na si Nikolai?

Speaking of ay nagchat naman ito sa kaniya kaya tiningnan niya kung ano iyon.

***
Nikolai De Vera

'Yo malodi'

'Yung poem making sa cpar'

'May instruction ba yun?'

'Gagawan mo ng poem ung
napili mong national artist
minimum of 3 stanzas then
free verses'

***

"Grabe, hindi pa rin siya tapos sa mga gawain niya?"

Hanga talaga siya minsan sa kasipagan ni Nikolai na magcomply ng mga missing requirements nito.

Well wala naman siyang choice tho....

Kung hindi ito magcocomply ay hindi ito makakagraduate kaya naman importanteng makumpleto nito lahat ng mga kailangang ipasa bago pa sumapit ang graduation day.

Hindi naman na ito nagreply pa kaya hinayaan na lang niya. Kinabukasan na ulit ito nagchat sa kaniya.

***
Nikolai De Vera

'Tae nnag'

'Chat ka pala'

'D ko nabasaaa'

'Salamattt lode'

'Wala di na tayo magkumare'

'Emz'

'HAHAHAHA'

'Hahahaah noo'

'Kala ko wala nag chachat
kahapon'

'Hayss'

'Hoy may chika ako'

'AHAHAHA'

***

Nasasanay na talaga siya na chumika dito at masaya naman siya doon dahil never naman nito ipinaramdam sa kaniya na tinatamad itong makinig sa kaniya. Going back before, hindi niya ineexpect na makakachikahan niya ito.

Hindi niya ineexpect na dadating ang araw na magchachat siya dito para chumika lang at hindi ng dahil sa research. Mas lalong hindi niya inaasahan na dadating ang pagkakataon na makikinig ito sa kaniya.

***
Nikolai De Vera

'Ang inconsistent mo kasi sa
school na pinapasukan
mo HHAHAHAHA'

'Qiqil ako sa biographical
sketch mo'

'Sayo ako nahirapan mag lay
out doon sa research'

'Kadaming school
HAHAHHAHA'

'Papalit palit eh no'

'Dami ko ng nakita tuloy na tao'

'Hahahaha'

Achievement yorn?
HAHHAHAHA

***

Natatawa talaga siya tuwing naaalala kung gaano siya nahirapan mag edit ng biographical sketch ni Nikolai dahil sa dami nitong school na pinasukan.

Kung siya siguro iyon ay hindi na niya alam kung paano mag-aadjust dahil parang taon-taon ay lumilipat ng school si Nikolai. Bagay na hindi pwede sa kaniya dahil sentimental siya at mahihirapan siyang lumayo sa mga magiging kaibigan niya.

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon