"Thank you po, Tito!"
Pagpapasalamat niya nang makababa sila ni Diane sa van. Inihatid kasi sila nito dito sa lugar kung saan sila magpapahardbound ni Diane ng mga research papers ng group nila. May kailangan din kasi daw itong bilhin.
Sa wakas ay may final approval na ni Ma'am Anne ang kanilang research papers para ipa-hardbound. Kagabi nga ay nagprint na siya at halos maiyak siya nang matapos sa pag piprint.
Iyon ang pages na pinagpaguran at pinagpuyatan nila ng group niya, lalo na mismo niya. Hindi siya makapaniwalang nakaprint na iyon at ipapahardbound na lang.
"Ingat kayo ha? Magtext ka sa'kin mamaya, Diane. Sa SM ko na lang kayo dadaanan."
"Sige po."
Umalis na ito at sila naman ay nagpunta na sa printing shop.
"Makukuha po kaya ito ngayong araw din?"
"Hindi eh, marami pang nakapila. Pwede niyo namang balikan sa isang araw."
"Ayon sakto, para maipasa na din natin sa first day ng practice."
Sabi niya at tumango naman si Diane saka nila ibinigay ang papers sa gagawa. Sinigurado din muna nilang tama ang mga bagay-bagay saka sila umalis doon at nagpunta sa SM dahil mainit.
"Saan mo gusto?"
Tanong ni Diane nang makarating sila da SM at naghanap naman sila ng fastfood na kakaunti ang pila. Sa huli ay sa Greenwich sila kumain at nagchikahan.
"Nagiging close kayo ni Nikolai lately ah?"
Pagbabago nito sa topic na pinag-uusapan nila at hindi naman niya inaasahan 'yon.
"Sakto lang, mabait naman pala kasi."
"Crush mo?"
"Ano ba!"
Natatawang saway niya dito at tumawa rin naman ito.
"Nagtatanong lang ako ha. Ang gwapo kaya."
"Medyo crush ganoon."
Tumawa ito at ramdam niyang nagblush siya dahil sino ba naman ang hindi magkakacrush dito. Bukod sa may itsura talaga ay humanga siya sa academic skills nito.
Ito 'yung tipo ng estudyante na hindi pala-sagot sa mga recitations, tamad umattend ng klase at tahimik lang pero once na sinipag ito mag-aral ay may ibubuga talaga ito. Hanga siya kay Nikolai doon dahil hindi niya inaasahan iyon.
***
Nikolai De Vera'Ginagawa mo?'
***
Napatigil siya sandali nang magchat ito sa kaniya. Agad naman niya itong nireplyan.
***
Nikolai De Vera'Nasa lc ako'
'Want mo pasalubong?
HAHAHAHAH''San yun?'
'Shuta ka lucena'
'HAHAHAHA'
'Kettle corn yung family size'
'Hahahahhahaha'
'Nagrequest nga eh HAHAH
family size pa HAHAHA''Cheese? HAHAHAHAHHAHA'
'Opo boss'
'Egis HAHAHAHH'
BINABASA MO ANG
The Unwritten Epilogue
Teen FictionHow to say "I'm still waiting for you" without actually saying it?