"Tito mo 'yun?"
Tanong ni Kino nang makaalis ang Papa ni Maui at natatawang tumango naman siya. Akala niya kanina ay kung sino, buti na lang talaga at ang Papa ni Maui iyon.
"Oo, akala ko nga kung sino eh."
"Isusumbong ka non."
"Gago, wala namang pakielam 'yon kaya okay lang."
Natawa na lang ito at muli ay tinulungan siyang umangkas sa motor.
"Kumain ka na ba?"
Tanong ni Kino habang nagdadrive ito at dahil sa hampas ng hangin ay amoy na amoy niya ang pabango nito.
Pwede bang ganito na lang forevs??
"Hindi pa pero busog pa ako. Nagmiryenda kami kanina."
"Anong oras na ah? Kanina pa 'yon. Tara kakain."
"Ha? Saan? May bukas pa ba ngayon?"
Hindi niya alam kung saan siya sunod na dadalhin ni Kino pero okay lang sa kaniya kahit iuwi pa siya nito ngayon sa Laguna.
Keme!
"Oo, may alam ako. Tara doon."
"Sige."
Hinayaan lang niya itong magdrive at nakakapit lang siya dito habang dinadama ang moment. Okay na sana kaso ay biglang may mga tumahol na aso.
"Gago may aso!"
"Kino, dahan-dahan!"
"Aabutan tayo!"
Tawa lang siya nang tawa tuloy ngayon habang mahigpit ang kapit dito dahil mabilis ang takbo nila ngayon.
"Oy! Kino!"
"Aba, Kino!"
Nang dumaan sila sa shop ng mga ito ay may mga lalake doon na tinawag si Kino. Mukhang mga nag-iinuman ang mga ito at natatawang nilampasan lang ito ni Kino.
"Sino 'yung mga 'yon?"
"Mga Tito ko."
Bakit ba puro Tito ang nakakakita sa'min ngayon?
Tumigil sila sa Lusacan, sa tapat ng school nina Maui.
"Nagulo ang buhok mo."
"Kasalanan mo. Pahawak nga nito, aayusin ko lang."
Ibinigay niya dito ang hawak niyang C2 saka ipinahawak din muna dito ang hair clip niya para ayusin ang buhok bago ito ilagay muli. Matyaga naman itong nag-intay sa kaniya kaya lihim na naman siyang kinilig.
"Oh C2 mo."
"Akin ba 'to? 'Yan ang akin eh!"
Turo niya sa C2 na iniinuman nito ngayon at kumunot naman ang noo nito.
"Akin 'to."
"Ininuman ko na 'yang akin eh. Wala pang bawas 'tong sa'yo oh."
Natawa na lang ito saka siya inakay para pumasok sa loob ng lugawan. Natatawa siya dahil hindi niya alam na ang rich kid na si Kino ay mahilig pala kumain sa mga ganitong lugar.
"Anong gusto mo? Gusto mo ba ng may manok or egg?"
"Lugaw na lang, baka pagsaktan ako ng tyan. Gabi na oh."
Tumango ito saka umorder na habang siya ay nag-iintay dito. Halo-halong feelings ang nararamdan niya.
Nangyayari ba talaga 'to??
"Maalam ka ba magtimpla?"
Tanong nito nang mapansin na hindi niya alam ang gagawain sa lugaw niya. First time niya kasing kumain sa lugawan.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Epilogue
Teen FictionHow to say "I'm still waiting for you" without actually saying it?