Page 15

2 1 0
                                    

Nagbibihis siya ngayon para manood ng liga nang maisipan niyang ichat muna si Kino dahil hahanapin siya nito mamaya kapag wala itong makausap.

Jowa yarn?

***
Nikolai De Vera

'Alis lang ako'

'Bye'

'Wer?'

'Nonood basketball'

'Oke oke'

***

Kinuha niya mula sa closet ang jersey uniform nila tuwing nanonood ng basketball pero this time ay bagong design ito. Kakarating lang nito kanina at ang ganda kaya susuotin niya.

Bago rin angs set of players nila kaya excited talaga siyang makita kung anong magyayari sa laro mamaya. Sana lang ay manalo ang team nila.

"Ilock mo ang pinto, Ate!"

Siya ang huling lumabas ng bahay kaya siya ang naglock. Nang makarating sa court ay madami na agad ang tao. Nagsimula naman agad ang laro at napasimangot siya.

Hindi maganda ang laro ngayon ng team na sinusuportahan nila. Naistress siya kaya naman nagchat na lang siya kay Kino para magrant.

***
Nikolai De Vera

'Nakakainis huhu'

'Ngayon na nga lang ulit
nanood'

'Baka matalo kami'

'Ang bago bago ng uniform
namin hmp'

'Iiyak na ako aaaaaa'

'Kaya pa yan'

'Tambak na nga'

'Ayoko na'

'Gusto ko na lang umuwi'

'Dapat talaga natulog na l
ang ako'

'Wag ka iiyak'

'Punta ako'

'Kalayo mo aba'

***

Imposible namang pumunta talaga si Kino dahil taga manalang pa ito. Baka tapos na ang laro kapag dumating ito pero nagulat siya sa chat nito dahil malapit na ito.

***
Nikolai De Vera

'Nasa iglesia na ako'

'Hahahahhaha'

'San part ka ba?'

'Pag yan prank na naman'

'Tutuktukan talaga kita'

'HAHAHAHA'

'San nga?'

'Asan ka na ba?'

'Dito sa tabi ng color game'

***

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon