Page 5

2 1 0
                                    

"Broooo! Kung kailan tapos ko na gawain lahat! Saka siya nagpasa ng part niya!!"

Pagrarant niya kay David habang magkacall sila at natawa naman ito.

"Sabi sa'yo eh."

"Nakakainis!"

Matinding inis talaga ang nararamdaman niya ngayon dahil ang tagal niyang nag-intay na magsend ang mga kagrupo niya ng parts ng mga ito. Sobrang hinabaan niya talaga ang pasensya niya dahil gusto rin niyang intindihin na transferees ang mga ito at baka nag aadjust pa ulit.

Pero sino naman ang iintindi sa akin?

"Tiningnan mo naman 'yung gawa niya?"

"Syempre oo, chineck ko 'yung laman hoy!"

Tawang-tawa ngayon si David sa kaniya at sinimangutan lang niya ito pero totoo ang sinabi niya. Chineck parin niya kahit papaano ang gawa ni Nikolai at actually, maayos iyon.

Kung sana lang ay maaga-aga nitong ipinasa sa kaniya ay baka nagamit pa niya iyon. Isinend nga pala niya muna sa gc nila ang finalized na chapter 1.

Mukha namang hindi iyon binuksan ng mga kagrupo niya dahil nagheart react lang ang mga ito at hindi na nagkomento pa.

Kung binuksan sana iyon ng mga ito ay malalaman nilang hindi galing sa kanila ang mga nakalagay doon dahil nirevise na niya ang kina Ari at Carl. Nahihiya kasi siyang magparevise sa mga ito.

Ayaw niyang makatanggap ng reklamo mula sa mga ito at gusto niyang mapagaan ang workloads ng mga kagrupo niya. Basta ang importante sa kaniya ay nararamdaman niya ang mga ito sa grupo.

"Ano palang nireply mo kay Kino noong nagsend siya?"

"Wait, check ko. Limot ko na eh."

Binuksan niya ulit ang convo nila ni Nikolai kaninang madaling araw.

***
Nikolai De Vera

(Sent an attachment.)

'Pacheck na lang kung tama'

'Hi! Okay sige'

'Check ko'

'Wait'

'Okay naman ang contents'

'Good to go na to hehe'

'Thank you!'

'Salamat din mitchella'

***

"Ayon lang?"

Tila nakukulangang tanong ni David at tumango naman siya.

"Anong magagawa ko? Eh nonchalant 'yung tao."

"Nonchalant my ass."

Siya naman ang natawa tsaka nagbrowse sa messenger app niya.

"Hala! Tumawag pala sa'kin si Vincent! Nako, in another call ang lumabas dito."

"Bakit ka naman tinawagan?"

"Ewan. Chat ko, wait."

***
Nurse Vincent

'Bebe time ata ang babae'

'Hoy hindi'

'HAHAHHAHA'

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon