Page 37

2 1 0
                                    

"Ganito na ba talaga kapag magkalayo kayo?"

Malungkot na tanong niya sa sarili dahil simula nga nang bumalik si Kino sa Laguna ay mas nabawasan ang pag-uusap nila. Hindi niya alam na mas malala pa pala ngayong college na.

Dinadama lang niya lahat ng lungkot na nararamdaman nang magchat ulit si Kino sa kaniya. Akala niya ay tulog na ito kanina dahil ilang oras na rin ang nakalipas nang magpaalam ito.

***
Nikolai De Vera

'Alam mo ba na mga babae ang
seatmate ko and they ask if i
have a gf and i said yes so they
said ohhh well we are just
friends so its alright'

'Hahahaha'

'I was gonna say magpapare
ako naalala ko nasa dentistry
course ako hahaha'

'My my'

'Ye thats all gnight'

***

"Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?"

Hindi niya alam kung dapat ba siyang kiligin dito o ano. Nagtatampo pa rin siya dito pero sumasaya ang puso niya dahil ganoon ang isinagot nito sa mga kaklase nitong babae.

"Hay nako, Kino. Ginugulo mo talaga ang isip ko."

Kinabukasan ng gabi naman ay nagchat ito sa kaniya pero hindi na niya iyon nabasa dahil maaga siyang natulog kaya naman kinaumagahan na siya nakareply dito.

***
Nikolai De Vera

'Lalagnatin ata ako'

'U good?

'Nope'

'Absent ako ngayon'

'Naulanan ka?'

'Nope'

'Nasobrahan sa sipag'

'Natuyuan'

'Nahaha'

'Nako ang kulit kasi'

'Rest munaa'

'Parang oks na ako?'

'Hahahaha'

'Anong oks ka dyan'

'Ikay pumirmi HAHHA'

***

"Nagegets mo ba?"

Natatawang tanong niya kay Elai habang nakikinig sila ng discussion ng prof nila na nasa unahan.

"Hindi nga eh. Inaantok talaga ako."

"Gaga, anong oras ka na naman natulog?"

"Chumika pa kasi mga kadorm ko."

Mahina siyang natawa dito saka nang idismiss ay saka siya nagcheck ng phone para kumustahin si Kino at nakita naman niyang may chat ito sa kaniya.

***
Nikolai De Vera

'Absent pa ngaaa'

'Hayss'

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon