Page 39

2 1 0
                                    

"Mahal, malapit na ang graduation ni Miya 'diba?"

Tanong ng boyfriend niya habang kavideo call ito at napangiti naman siya saka tumango. Kita mo nga naman at graduating na ang kaniyang kapatid ngayon sa Senior High.

"Makakapunta ka ba?"

"Baka hindi eh. Alam mo naman, may business dito."

"Sige, okay lang."

Nagliligpit siya ngayon ng mga gamit sa kwarto niya dahil kakabakasyon lang niya kaya ngayon lang ulit siya nakapaglinis ng kwarto. Hindi naman kasi marunong maglinis si Miya.

Sa kaniyang paglilinis ay nabuksan niya ang maliit na drawer at nakita niya doon ang isang bato. Kinuha niya iyon saka mapait na napangiti nang maalala si Kino.

"Ano 'yan?"

"Bigay sa'kin ni Kino dati noong eighteenth birthday ko. Kinuha namin sa tabing-dagat."

Kamusta na kaya siya?

Wala na siyang balita dito dahil inunfollow siya nito sa Instagram at maging sa TikTok. Hindi pa ito nakuntento at inunfriend din siya nito sa Facebook. Hindi niya alam kung bakit pero wala naman siyang magagawa kung iyon ang gusto nitong mangyari.

"Nandito din 'yung cap ng bote ng Mojito na ininom namin noon. Tsaka 'yung Minion suprise egg na binili niya sa seven eleven para sa'kin."

Natutuwa siyang makita na naitago niya pala ang mga bagay na iyon. Maski ang wrist band na dapat ay ibabalik nila sa resort bago umuwi noong debut niya ay nasa kaniya pa.

"Hindi na kayo nag-usap talaga 'no?"

"Hindi na pero okay na rin 'yon. Sana happy na siya ngayon. Two years na rin ang nakalipas ha. Baka may girlfriend na din 'yon ngayon."

"Selos ka?"

Pang-aasar ni Gene kaya napatawa siya habang napapailing-iling.

"Mamaya ka na nga lang ulit tumawag. Ang dami kong linisin dito."

"Sige, bye! I love you."

"I love you too."

Pinatay na nito ang tawag at siya naman ay nagpatuloy na ulit sa paglilinis. Habang naglilinis ay talagang naaagaw ng atensyon niya mga bagay na tungkol kay Kino na itinago niya. Muli ay kinuha niya ang mga iyon at inalala ang bawat sandali nila.

"Two years na pero namimiss pa rin kita."

Open naman si Gene na pag-usapan nila paminsan-minsan si Kino pero syempre, bilang respeto sa relasyon nilang dalawa ay hindi niya palaging binabanggit si Kino pero hindi ibig sabihin ay hindi ito sumasagi sa isip niya.

Hindi pa niya ito ulit nakikita talaga pero noong isang taon, noong sumimba sila ng pamilya niya sa Manalang ay nandoon daw ito kasama ng Lola nito. Si Miya naman ang nakakita dito habang siya ay likod na lang nito ang natanawan.

"Ang bait mo pa rin sa Lola mo. Sinasamahan mo pa rin siya sumimba kahit tamad ka sumimba."

Natawa siya saka sunod na naalala ay noong nakatambay sila nina Maui at Miya sa shop. Noong isang taon din iyon at nang-aasar na idinaan ni Chris si Kino sa shop nila habang nakamotor ang mga ito.

Hindi naman niya nakita nang buo si Kino dahil nga nakamotor ang mga ito pero sina Miya at Maui ay malinaw na nakita si Kino.

"Bakit ba hindi tayo pinagkikita ng tadhana?"

Tuwing bakasyon ay nasa Quezon si Kino pero never pa silang nagkita nito. Sa stories na lang ng Ate Eri nito niya nalalaman kung kailan ito nandito.

Napangiti siya nang maalala na sumali si Kino sa pageant ng school nito para sa Dentistry Department. Nakita niya iyon sa Tiktok at stories ng mga Ate nito.

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon