Page 10

6 1 0
                                    

Nagmamadali na siya ngayon habang naglalakad papunta sa bahay nina Diane. Sa sobrang bagal ng nasakyan niyang jeep ay ngayon lang siya nakarating sa vicinity ng school.

***
Nurse Vincent

'Asan ka na?'

'Malapit na'

'Dala mo bible?'

'Oo naman'

'Bilisan mo'

***

Nang makarating sa bahay nina Diane ay inihatid sila ng tatay nito papunta sa school. Malapit na lang naman ang bahay ng mga ito mula sa school kaya mabilis na silang nakarating.

Nang makapasok sa school chapel kung saan gaganapin ang retreat nila ay nag attendance muna sila kay Ma'am Fatima na nasa gilid ng pinto.

"Tinanghali ata kayo ng gising."

Natatawang sabi ni Ma'am at mahina din silang natawa ni Diane. Kasalukuyan ay nagsasalita ang facilitator ng retreat sa unahan. Buti na lang at hindi pa ganoon nagsisimula.

"Dito na tayo sa likod, ayoko sa unahan."

Sabi ni Diane at naupo naman sila sa likod, sa left side ng chapel dahil nasa right side ang section nina David. Hinanap naman ng tingin niya si Vincent na sa may bandang gitna nakaupo.

Agad din siyang nakita nito nang tumingin ito sa likod kaya tumayo ito para lumapit sa kaniya.

"Ang tagal mo."

"Sorry na, eto bible. Ibabalik mo 'yan ha?"

"Wala ng balikan 'to."

Natatawang sabi nito saka umupo sa tabi niya. Nahagip naman ng tingin niya si David sa kabilang bahagi na masama ang tingin sa kaniya.

Ang sama naman ng umaga non...

"Bumalik ka na sa upuan mo."

"Ang pangit mo pala in person."

Pang-aasar sa kaniya ni Vincent at sinamaan naman niya ito ng tingin bago ito bumalik sa upuan nito.

"Nakakainis talaga 'yon."

"First time ko ulit makakita ng mga tao."

Mahina siyang natawa sa sinabi ni Diane at ganoon din naman siya. Ngayon lang ulit niya naramdaman ang feeling na nasa klase siya at ang saya lang. May ilang mga mukha siyang hindi makilala at siguro ay iyon ang mga transferees.

Naalala naman niya si Nikolai kaya hinanap niya ito. Namukhaan naman niya agad ang likod nito at hindi niya mapigilan ang mapangiti. Katabi rin nito si John sa hindi malamang dahilan kaya mas lalo siyang napangiti.

Ang gagwapo ng mga likod shet!

"Aayusin natin ngayon ang seating arrangement niyo ha. Hindi pwedeng 'yan ang pwesto niyo at baka magdaldalan na lang kayo. Alternate ang boys at girls then alphabetical."

Sabi ng facilitator ngayon at napasimangot naman siya.

"Magkasunod naman ang apelyido natin so keri lang. May pagitan lang tayong isang lalake."

Nakangiting sabi ni Diane ngunit lahat ng saya ay nawala dahil nasa unahang line ito napaupo at nasa kasunod naman siya. Ang masama pa ay nasa tig-kabilang dulo sila.

Ang katabi niya ngayon ay si Rhen sa kanan habang si Niel sa kaliwa. Magkasama sila ni Ari sa linya at si Niel nga ang pagitan nila kaya kahit papaano ay ayos lang din.

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon