Page 22

1 1 0
                                    

Enrollment niya ngayon kaya umalis muna siya kasama ang Mama niya. Gusto kasi siya nitong samahan na mag-enroll kahit nasabi na niyang kaya naman niya.

Sanay kasi ang Mama niya na ito ang nagpapa-enroll sa kanilang tatlo. Siguro ay hindi pa lang nito matanggap ngayon na malaki na ang panganay nito at magcocollege na.

Maaga silang umalis dahil malayo-layo din ang university na napili niya. Mahigit tatlong oras din ang byahe nila.

"Ang layo naman nito, Nene. Sigurado ka na ba dito?"

"Dream school ko 'to, Ma. Masasanay din kayo. Paano pa 'pag nagtrabaho na ako sa malayo?"

Natatawa niyang sabi nito kaya natawa rin ito.

"Titingin ba tayo ng dorm mo ngayon?"

"Opo pero kain muna tayo, Ma. Gutom na ako eh."

Lunch time na rin kasi ngayon kaya napagdesisyunan muna nila na humanap ng malapit na fastfood restaurant para kumain.  Habang nag-iintay ng order nila ay nagbukas muna siya ng phone para tingnan ang mga chats ni Kino.

***
Nikolai De Vera

'San ka na bata?'

'Nakain'

'Maghahanap ng dorm laterr'

'Oh u dorming?'

'Yup no choice HAHAHA di
pwedeng uwian uy'

'Ikakamatay ko ang haba ng
byahe'

'Hu u wid?'

'Kung pwede lang na si juster
na lang kasama ko sa dorm
ay gg na eh'

***

Pagtukoy niya sa kabatch nila na Architecture din ang kukunin at sa kaparehong university rin niya papasok. Ang kaso nga lang ay lalake ito kaya hindi pwede.

***
Nikolai De Vera

'Bruh'

'Das no gud ma man'

'Kaya nga eh'

'It should be a girl not a boy'

'May rotc ka?'

'Need ata dyan eh'

'Walang sinasabi pls wag ka
manakot'

'Sabi kase nung pinsan ko na
3rd yr dyan'

'Gawa ng niyaya din ako dyan
eh'

'Dyan daw ako mag dentistry
eh wala na naman'

'Sayang uy'

'Kaso'

'Ayaw naman ako pasamahin
nila ate sa mga pinsan ko'

'Hahahahha'

***

Sayang naman kung ganoon nga dahil mas may chance pa sana sila ulit na magkasama nang mas mahabang panahon.

Matapos kumain ay naghanap na sila ng Mama niya ng dorm. May nakita sila na sa mismong tabi lang ng campus pero pinepressure agad sila ng Landlord na magdown payment.

The Unwritten Epilogue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon