Epilogue

708 72 60
                                    

It was days already after the operation and it was successful. Today is the second day of Lindtsey's funeral wake while her lilo was still in the hospital for recovery, hindi pa rin makapaniwala ang mga tao sa nangyaring aksidente.

A lot of people visited and indeed, Aiah lived her life to the fullest. Walang pagsisisi at maluwag ang puso nitong umalis.

Pumunta ang mga batang binibisita niya isang araw sa isang buwan upang dalhan ng mga pagkain at laruan, bagay na hindi alam nila Irene at ngayon lang.

“It's a secret, I've been doing this for a long time now and ang gaan lang sa pakiramdam. Someday, you guys will find out kung ano 'yun but not now muna.”

Some of them cried hard seeing their ate Aiah lying on that coffin, sleeping like Aurora.

"Sobrang bait na bata ni Aiah, maraming tao ang napasaya at natulungan niya." sabi ng isang madre na kasama ng mga bata sa pagdalaw, napangiti si Irene ng bahagya at malapit na rin itong umiyak.

"I know. Kaya I'm sure that wherever she is right now, there's no regrets sa puso niya dahil alam niyang nagawa niya ang mga bagay na gusto niya." tugon ni Irene.

"Hanggang sa huli, nanatili siyang anghel para kay sir Ferdinand. Alam kong masaya si Aiah kung nasaan man siya ngayon,"

"Too bad na umalis siya ng napakaaga, she left when I wasn't even done making it up to her, she left when I wasn't even ready to lose her totally. Sobrang aga lang, hindi pa ako kontento.." sabi ni Irene habang umiiyak, agad naman siyang niyakap ng madreng nasa tabi niya.

"Ang daming tao ang nagmamahal kay Aiah kaya sigurado akong hindi siya makakalimutan ng panghabang-buhay. You raised her so well,"

They talked a little more until it was time for them to go home, nagsidatingan ang mga tao at walang lakas ng loob si Irene na humarap sa mga ito. Ngumingiti lang siya ng bahagya kapag may lumalapit sakanya.

Minutes passed, may dalawang taong lumapit kay Irene at nagpakilalang driver at isa pang kasama nila sa kotse nung nangyari ang aksidente. Naiyak sila habang humihingi ng tawad kay Irene, pero agad silang niyakap nito dahil wala naman itong mga kasalanan, biktima lang din sila.

"Ma'am, napakabait po ni miss Aiah.. Sobrang sakit din po saamin na malaman na wala na po siya, sa loob po nung mga taon na pinagsilbihan ko po siya bilang driver niya, hindi ko po kailanman naramdaman at naranasan na nagalit siya.

Alam niyo po ma'am yung hinihingi po namin ng tawad ay yung hindi po namin siya naprotektahan, siya po ang nagprotekta sa'min. Minuto po bago mangyari ang aksidente, agad po kaming sinabihan ni miss Aiah ng mga gagawin namin para mas kunti po yung impact sa'min, kasi sabi niya po may mga anak at pamilya kaming uuwian.

Sa totoo lang po, hindi naman dapat siya mamamatay kung inuna niya ang sarili niya pero hindi po 'yan ang ginawa niya. Mas pinili niyang unahin kami, mas pinili niyang masiguradong ligtas kami bago siya. Sabi niya nga po saamin, okay na daw po yung naging buhay niya, kontento na daw po siya sa mga naranasan at naabot niya kaya kami po yung inuna niya kasi naaawa siya sa pamilya at mga anak namin na baka mawalan daw po sila ng tatay at maranasan ang hindi kompletong pamilya." pagpapaliwanag ng driver ni Aiah, naiyak si Irene habang pinapakinggan ang mga sinabi ni Aiah habang papalapit na ito sa kamatayan.

"Malaki po yung utang na loob namin kay miss Aiah, niligtas niya po yung buhay namin.." tugon naman nung isang lalaking kasama nila.

Unfathomable LoveWhere stories live. Discover now