"So, hindi kayo magpaparamdam sa amin mamaya sa ghost hunting namin?" panlilinaw na Hesu na tanong kay Jelad nang muling lumitaw ito sa kaniyang kuwarto. Hinihintay naman talaga niya ito dahil gusto niyang malaman kanina pa kung ano ang balak nilang apat na multo oras na isagawa na ang ghost hunting. Hindi sila nabigyan ni Jelad kahit pa ng tatlong kasama nito ng pagkakataong mag-usap dahil full load ang subject niya kanina.
"No. Katulad pa rin ng dati ay lalayo kami," sagot ng binata. Nakatalikod ito sa kaniya habang nakapamulsa ang mga kamay sa harapang bulsa. Tinitingnan nito ang mga larawan sa kaniyang photo wall. Iba-iba ang kaniyang larawan doon na iba-iba rin ang kasama niya. Mga larawan niya sa iba't ibang lugar na pinuntahan niya. At hindi naman siya nahihiya dahil puros matitino namang mga larawan iyon kung kaya hinahayaan lang niya.
"May kasama kami na may kakayahan na tawagin ang ligaw na kaluluwa na nasa malapit. Kung hindi ako nagkakamali ay si Chalita iyon. Iyong kasama naming medyo chubby."
Lumingon na sa kaniya si Jelad at nagkibit-balikat. "Huwag kang mag-alala dahil mahinang multo lang ang kaya niyang tawagin. Kaya naming iwasan."
Napalabi si Hesu. "Ibig sabihin malakas kayong mga multo?"
Bumuntong-hininga naman ang binata. "Sa kagustuhan namin noon pa na makahingi ng tulong o makapagparamdam man lang sa isang estudyante na normal ay napalakas namin ang kaluluwa namin. Katunayan, nagkaroon pa kami ng mga kapangyarihan. Nga lang hindi namin magamit sa tao. Sa mga multo lang din kaya wala ring saysay."
"Anong kapangyarihan?" curios pang tanong ni Hesu.
"Mga simple lang na mga nagagawa ng mga multo katulad sa mga movies o series na napapanood sa TV. Manipulation, telekinesis, teleportation, possession at marami pang iba."
"So, kaya pala nagawa mo iyon noon sa ospital? Ang pagmukhaing kamag-anak mo ako sa mga staff doon upang makapasok ako?"
"Ganoon na nga."
"Ang galing naman." Sa katuwaan ay napapalakpak si Hesu.
"Mas magaling ka dahil buhay ka pa pero may special ka nang kakayahan," pagtatama sa kaniya ng kausap.
Napanguso siya. "Ano naman ang magaling dito? Nakakatakot kamo," at kontra niya.
"Magaling na kakayahan ang third eye kung tatanggapin mo ng buong-buo sa puso mo na kakaiba ka sa normal ng mga tao at kapag alam mong gamitin ng tama. Madami kang matutulungan kung gugustuhin mo lang. Katulad ng ginagawa mo sa amin."
"Tutulong sa mga multo? Huwag na lang," bulong niya. She chewed on her bottom lip. "Ginagawa ko lang naman na tulungan kayo dahil kailangan ko rin kayo. Isa pa, hindi naman nakakatakot ang hitsura niyo. Iyong ibang multo na nakikita ko ay sobrang nakakatakot kaya ang hitsura nila," at dahilan niya pa.
"Ganoon ang ikinamatay nila kaya hindi mo sila masisisi," pagtatama ulit sa kaniya ni Jelad. Tumingin-tingin ulit ito sa photo wall.
Hanggang sa sabay yata na nag-sink in sa isip nila ang huling sinabi nito. Sabay kasi silang napatingin sa isa't isa.
"Ibig bang sabihin namatay kayo na ganiyan din kaguwapo? Walang nangyari na kahit ano pa man katulad ng pinahirapan kayo o kaya sinaksak o kaya binigti?" ani Hesu.
Mas napaisip pa si Jelad na bumaba ang tingin nito sa sarili.
"Pero may ganoon ba? Pinatay na walang ginawang masama?" sabi ulit ni Hesu.
"Hindi kaya nilunod kami ng salarin?" hinuha na rin ng binata nang magtaas ng tingin at nakipagtitigan kay Hesu.
Napalabi si Hesu. "Hindi rin, kasi may nakita akong multo na nalunod sa swimming pool doon sa resort na pinuntahan namin noon. Basang-basa ang multo niya kaya nakakatakot."
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...