"What's going on, guys? Bakit parang may barrier ang office na 'to?" sumusuko nang sabi ni Saimo. Ayaw na nitong ipagpilitan na makapasok sa office ng paranormal club dahil kahit ano'ng gawin nito ay hindi talaga ito makaalpas sa saradong pinto.
Bandang huli, nakatayo na lamang silang apat habang inaantay si Hesusa na lumabas. Sana lang ay ligtas ang dalaga dahil hindi na nila alam kung ano'ng nangyayari sa loob.
"Dati pa naman, 'di ba?" ani Jaem.
"Pero bakit nga kaya? Bakit nga kaya hindi tayo makapasok sa office na 'yan? Ano kayang meron?" namamanghang wika rin ni Lius. Napahimas pa ito sa baba.
Walang nakasagot kay Lius. Noon pa man ay wala silang maisip na kasagutan. Napatitig na lamang sila sa pinto ng office na iyon. Sana lang talaga ay ligtas sa grim reaper si Hesusa.
SA LOOB, malikot ang tingin ni Hesu. Ewan pero kakaiba ang feeling niya o ang tamang words ay 'merong kakaiba'.
"You're safe here, Hesu. Don't worry," makahulugang wika ni Hardy sa kanya dahilan para mapukaw siya. "Kapag nandito ka sa loob ng office na ito ay walang mangyayari sa 'yong masama. Hindi ito kayang pasukin ng kahit sino mang kakaibang nilalang o multo."
"Huh?!"
Hardy smirked devilishly. "There's something special here in our club. That's all I can disclose to you at the moment."
Nakusot ang mukha ni Hesu. Hindi niya naman ngayon maintindihan ang kawirduhan ni Hardy. Ibang klase talagang tao ito. Kung sa labas ay grabe sa kayabangan, dito naman sa loob ng office ay grabe naman sa kaseryosohan. Para itong dalawang tao. Ang creepy!
Tumayo si Hardy at may kinuha ito sa file cabinet. Isang brown envelope na iniabot sa kanya.
"Nandito ang ilang information ng apat na multong gumugulo sa 'yo, Hesu."
Namilog ang mga mata ni Hesu. Kung gano'n totoo ngang nakikita ni Hardy ang apat na multo? Wow! Parehas nga niya talaga ito!
Alanganing inabot niya iyon, pero hindi niya agad binuksan.
Hardy put his hand in his pocket and leaned on the file cabinet. "I know, naguguluhan ka bakit ka nila ginugulo. Ang maitutulong ko lang ay ipakilala sila sa 'yo dahil hindi ko rin alam ang rason nila."
Ang daming katanungan ni Hesu, pero nanatiling tikom ang bibig niya. Para ngang nalulon na niya ang kanyang dila. Wala pa sa isip niya na alamin kung bakit pinagti-trip-an siya ng apat na multo, ni hindi sumagi sa isip niya. Pero ngayon ay nagkaroon na siya ng interes. Bakit nga kaya?
Pasulyap-sulyap siya kay Hardy na inilabas na ang mga papel na laman ng envelope. At para iyong mga resume o curriculum vitae. Bawat papel ay naroon ang larawan ng apat na multo, pangalan nila, at iba pang mga impormasyon.
"Sila ang 'The Badboys'. At sabay-sabay silang nawala sa graduation ball dito sa Sanchi College, apat na taon na ang nakakaraan," munting impormasyon na saad ulit ni Hardy. Nakahalukipkip na ito.
Umawang ang mga labi ni Hesu. Naalala niya ang sinabi ni Cloria noon about sa mga 'The Badboys'...
"Sayang lang at wala na ang 'The Badboys," kataga ni Cloria.
"Anong 'The Badboys'?" maang niyang tanong.
"Sila ang campus crush noon sa Sanchi College, bago si Hardy Evete. 'Di mo alam?"
... Wari ba'y napaso sa mga papel si Hesu dahil pumasok din sa isip niya ang sinabi ni Cloria na biglang nawala sa Sanchi College ang apat na sikat na binata. Ibig sabihin totoo pala ang tsismis na iyon ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...