"There she is. The woman wearing a pink top and wide-leg jeans," imporma ni Jaem na itinuro ang isa sa dalawang babae na naglalakad sa campus ground.
Si Jaem ang unang lumitaw sa rooftop ng isang school building ng Sanchi College. Ipinamulsa nito ang mga kamay sa harapan ng trousers pagkatapos.
Kanina sa library ay halos makalimutan niya na multo siya nang mabangga siya ng babaeng itinuturo niya. For the first time, someone saw and heard him, so he felt unfamiliar or experienced something new. Nawala tuloy siya sa kanyang character.
"Are you certain, dude? I don't see anything particularly special about her. She appears to be just an ordinary girl," hindi makapaniwala na turan ni Lius. Ito naman ang sumunod na lumitaw. Nakaupo ito sa sementong pinakaharang ng rooftop at kunot ang noong nakatanaw rin ito sa papalayong mga dalaga.
Nagpakita na rin si Jelad, na nakahalukipkip ngunit tila walang interesadong makisali sa kanilang pag-uusap, dahil siya'y nakasandal lamang sa pader. Ni hindi rin ito nagkomento.
"Maybe she's the one we've been waiting for," tinig naman ni Saimo. Inaayos na naman nito ang bangs. Ito kasi ang masyadong maarte at meticulous sa katawan sa apat na magbabarkada. Aakalain ay myembro ito ng K-Pop idol dahil alagang-alaga nito ang buhok na tumatabing sa mata nito paminsan-minsan.
"Maybe," tipid na sagot ni Jaem.
"Do you want me to check?" magiliw na tanong ni Saimo. Nakangising pinukulan nito ng tinging humihingi nang pahintulot ang tatlong kabarkada.
"Baka matakot mo siya?" may konting 'di pagsang-ayon na sabi ni Jaem.
"I won't do anything. Susubukan ko lang siya." Ngumisi si Saimo. Kahit kailan ay ito naman ang pilyo sa kanilang apat.
Nakangiting nagkibit-balikat na lang si Jaem.
"Tama, kailangan muna nating makasiguro na siya na nga ang taong hinihintay natin," sang-ayon naman ni Lius. Lumapit ito kay Saimo at mababang nakipag-high five.
Si Jelad lang talaga ang walang pakialam. Sa halip na magbigay saloobin ay nagtungo ito sa mga drum na nakatambak sa rooftop at humiga. Ginawang unan ang mga braso at pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan.
"I'll be quick," pilyo nang sabi ni Saimo at naglaho na.
"Saimo, wait!" pigil pa rin ni Jaem sana. Maglalaho rin sana ito para sundan si Saimo pero hinawakan ito ni Lius.
"Hayaan mo na siya, dude. Tama lang 'yon para makita natin kung 'yung girl na ba na iyon ang makakatulong sa atin," paliwanag ni Lius. "'Di ba, Jelad?"
As usual, Jelad showed no sign of concern.
"Oh, come on!" Napalatak si Lius at saka napailing. Biglang laho ito sa kinatatayuan at litaw sa kinahihigahan ni Jelad. Hinila si Jelad patayo at lumitaw sila sa tabi ni Jaem.
"Aisst!" angil dito ni Jelad. Kamuntikan na nitong mabatukan si Lius.
"Makisama ka ngayon, dude. Kailangang makita mo rin siya," tatawa-tawang iwas ni Lius.
"Tss!" Tinatamad na idinantay ni Jelad ang magkapatong niyang mga bisig sa railing ng rooftop. Maangas ang hitsura na napilitan na nga siyang tingnan at suriin na rin ang dalaga.
Lumapit sa kanya ang dalawa. Pinagitnaan siya nina Lius at Jaem. Sabay-sabay nilang pinanood si Saimo, na nang lingunin sila ay kumaway pa.
Kung titingnan silang tatlo sa sandaling iyon ay para silang may photoshoot lang sa rooftop dahil sa ayos nila na pare-parehas na nakasuot ng formal suit. Simula namalayan nilang kaluluwa na lamang sila ay gano'n na ang kasuotan nila. Para sila laging dadalo ng prom o ng pormal na party, na hindi nila alam kung bakit dahil pare-parehas din silang walang maalala kung ano ang nangyari sa kanila.
In short, they don't know how they died.
Noong una nga'y hindi nila inakala na patay na sila. Napagtanto lang nila na mga kaluluwa na sila nang napansin nilang walang nakakita at nakakarinig sa kanila.
Simula noon ay umasa na lamang sila na sana balang araw ay may estudyanteng mapapadpad sa Sanchi College na may third eye upang maihingan nila ng tulong. At sana nga ang babaeng tinitingnan nga nila nga ito.
"Hesu, tama ba ang nababasa ko E-N-R-O-L-L-E-D na tayo?" Nakataas ang dalawang kamay ni Cloria hawak ang isang pirasong papel na nagpapatunay na estudyante na sila ngayon ng Sanchi College.
Natawa si Hesu sa kaibigan. Tinaas din niya ang sa kanya at itinapat sa araw. "Oo, besh! Student na rin tayo ng school na ito! Magiging Sanchi Alumni rin tayo balang araw!"
Nagkatinginan silang magkaibigan na hindi pa rin ibinababa ang papel nilang itinataas.
"Feeling proud!" tapos ay sabay nilang sambit. Kinilig ta's nagtawanan. Pero nang makita nilang pinagtinginan sila ng mga kasama nilang nag-enroll ay inayos nila ang sarili. Nahihiya silang nagyuko ng ulo at nagtakip ng bunganga.
Pigil ang tawang lumakad ulit sila. Napapahagikgik pa rin kasi sila. Hindi nila mapigilan.
"So, sa'n na tayo?" tanong ni Hesu kay Cloria nang inilalagay nila sa folder nila ang enrollment form.
"Ay!" Nang bigla-bigla ay parehas din nilang nasambit dahil biglang humangin ng malakas. Tinangay ang papel nilang hawak.
"Sandaliiiii!" Natarantang habol ni Hesu sa kanyang enrollment form dahil mas tinangay iyon ng hangin kaysa sa kay Cloria.
Tawa nang tawa si Saimo na may kagagawan n'on. Wala namang naging reaksyon sina Jaem, Jelad at Lius na nanonood lang sa nangyayari at mangyayari pa.
"Sandaliiiii!!" Habol pa rin ni Hesu sa enrollment form niya na tinatangay pa rin ng hangin. Takang-taka na ang mga estduyante sa kanya.
"Ano ba?!" naiinis na reaksyon ng mga muntikan niyang nababangga.
"Sorry po! Sorry po!" hingi naman niya ng despensa habang tumatakbo pa rin.
"Ay, naku!"
"What the heck!"
"Sorry po talaga." Tumitigil saglit si Hesu para yukuan ang mga estudyanteng naaagrabyado niya. Tapos ay tatakbo ulit.
"Woaaahhh!" Hanggang sa pool ng school na sila nakarating ng kanyang form. Buti na lang at na-balance niya ang sarili kundi na-shoot sana siya sa malawak na swimming pool na ginagamit para sa mga physical education and sports programs ng Sanchi College.
Ang lakas tuloy nang naging tawa ni Saimo. Nakitawa rin si Lius nang lumitaw na silang tatlo sa tagiliran ni Saimo.
"Stop it, Saimo! Hindi na kapani-paniwala ang paglipad ng hangin sa papel!" saway naman ni Jaem kay Saimo.
Iyong papel kasi na hinahabol ni Hesu ay nag-stop sa may taas at gitna ng pool.
"Luh, ano'ng nangyayari?" At napansin na nga iyon ni Hesu. Para na kasing magic ang nangyayari.
"Don't worry wala namang tao, guys," sabi ni Saimo kina Jaem, Lius at Jelad. "Through this, we will find out if that girl indeed has a special ability. Let's just wait and see kung ano'ng gagawin niya."
Subalit natigilan at napaurong silang apat nang bigla ay lingunin sila ni Hesu. Nanlaki rin ang mga mata nila. Nahintakutan sila kahit na sila ang multo.
Naningkit na ang mga mata ni Hesu. Sabi na nga ba niya at pinaglalaruan siya ng mga masasamang multo!
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Fiksi RemajaApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...