Part 4

1.8K 91 4
                                    

"Eh, di papasok na kayo ni Cloria sa Lunes sa Sanchi College, Anak?"

"Opo, Ma," sagot ni Hesu sa mama niya habang tinutusok niya ang hotdog na almusal niya. Nag-aalmusal kasi silang mag-ina. Sila lang dalawa dahil simula nag-abroad ang Kuya Huda niya ay sila na lamang ni Mama niya ang magkasama sa bahay.

And yeah, Huda ang name ng kuya niya, kabaliktaran ng name niya dahil kulang na lang letter 'S' ay Hudas na ang kalabasan.

Ay, ewan ba nila sa mama at papa nila. Kung ano na lang ipinangalan sa kanilang magkapatid. Ang lakas ng mga trip.

Mabuti na lang talaga at kabaliktaran sa pangalan nila ang samahan nila ni Kuya Huda niya. Close silang magkapatid at mahal na mahal ang isa't isa.

Ang papa niya naman ay namatay bata pa lang siya. Inatake raw sa puso. Actually, wala siyang matandaan halos about sa papa niya.

"Galingan mo, Anak, para maging proud naman sa 'yo ang Kuya Huda mo. Huwag mo siyang bibiguin." Si mama na niya ang naglagay ng sinangag sa kanyang plato.

"Oo naman, Ma. Gagalingan ko talaga dahil pangarap ko talaga noon pa na doon mag-aral. Grabe ang ganda po ng school, Ma. Ang lawak. Ang sarap pong mag-aral doon." Hinihiwa-hiwa niya ang hotdog habang nagmamalaking nagku-kuwento sa ina. "Kaso may mga multo nga lang din pala do'n."

"Huh?!" Nagtaka ang mama niya.

Natigilan siya. Ay, tanga!

"May multo ro'n, Anak?!"

"Ah.. Eh.. Wala po 'yon, Ma. 'Yong mga estatwa lang po ro'n na mga parang multo ang sinasabi ko. He-he," tatawa-tawa niyang palusot. Napahimas siya sa kanyang pisngi. Bakit ba sumasagi pa rin kasi sa isip niya ang mga apat na multo na mga iyon? Actually, kagabi pa niya sila mga naiisip. Naiinis na nga siya sa utak niya, eh. At isa sa mga nabuong tanong niya ay bakit ang babata nilang mga naging kaluluwa. Tingin niya kasi ay ka-edad lang niya ang apat na mga multo, eh.

"Wala na akong pakialam sa kanila. Hahayaan ko na ang ginawa nila sa akin. Baka napag-trip-an lang nila ako kahapon," sa loob-loob niya. Itinuloy na niya ang paglamon. Pinayapa na rin niya pati ang kanyang sarili sa kaisipang, sa lawak ng Sanchi College ay paniguradong hindi na magku-krus pa ang landas nila ng mga multo na iyon. Iiwasan na lamang niyang pumunta sa pool area at baka roon ang tambayan ng apat na multong binata. At saka sa dami ng mga etudyante ay imposibleng mapapansin pa siya. Malamang sa dami rin ng multo roon o mga ligaw na kalukuwa ay imposibleng makikilala pa rin niya pa ang apat. Isa man kasi sa kanila ay hindi niya namukhaan sa apat. Maliban sa unang multo na nakita niya, 'yong nakabanggaan niya na guwapo.

Guwapong suplado nga lang.

"Ano nga ang kurso mo, Anak? Business?"

"Business Management, Ma. Para kapag umuwi sa abroad si Kuya at balak niyang mag-negosyo ay matutulungan ko po siya," magiliw niyang sagot. Hindi na siya makapaghintay na mangyari iyon.

"Hindi ko man alam 'yung kurso na iyon ay alam kong bagay sa 'yo, Anak. Sa wakas may makakatapos na akong anak." Natuwa ang mama niya. Wala pa man ay excited na ito sa kanyang pagtatapos.

Si Kuya Huda niya kasi ay hindi nakatapos. Gawa lamang ng pagpupursige nito sa buhay, pagsisikap, at diskarte kaya nakapag-abroad. At dahil doon ay pangarap din talaga ng kuya niya na makatapos siya. Para na rin daw kasi itong nakatapos kung mapapagtapos siya nito sa pag-aaral.

Iyon ang nagpapalakas din sa loob niya kaya gustong-gusto rin niyang makatapos sa pag-aaral. Iaalay niya ang diploma niya sa mama at kuya niya. Hindi niya sasayangin ang tiwalang binibigay sa kanya ng kuya niya. Hinding-hindi.

DUMATING na nga ang pasukan. Nasa kamay na nina Cloria at Hesu ang kinasusulatan ng kanilang magiging class schedule.

Makikitang mahigpit ang hawak ni Hesu sa kanya. Nag-aalala kasi siya na baka liparin ulit.

Walang kamalay-malay si Hesu na may nakikisilip din sa schedule niya. Ang naramdaman lang ni Hesu ay parang may kakaibang hanging dumaan sa kanyang punong tainga kaya tumayo ang mga balahibo niya sa braso. Luminga-linga siya sa paligid, ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba. Kapag kasi gano'n ang pakiramdam niya ay siguradong may kaluluwa malapit sa kanya.

"Saan kaya itong classroom B, besh?" salita ni Cloria.

"Huh?!" Naalimpungatan siya sa kanyang pagkakataka.

"Sabi ko nasa'n kaya itong classroom B? Dito ang unang subject natin, eh," ani Cloria habang lumilinga-linga.

Tiningnan niya ang schedule. Pilit niyang iwinala ang kakaibang nararamdaman. Inisip na lamang niya na baka napadaan lang na kaluluwa iyon.

"Magtanong-tanong na lang tayo," aniya nang wala rin siyang ideya kung saang school building ang classroom B na tinutukoy ng schedule nila.

Sa lawak ng Sanchi College ay malamang hindi lang sila ngayon ang nawawala o nagmumukhang tanga. 'Di bale at ngayon lang naman 'to. Pasasaan at masasanay rin sila.

Hindi niya alam ay naunahan na sila ng 'The Badboys' sa classroom B. Sabay-sabay na lumitaw ang apat na binata sa classroom B, doon sa may bandang harapan. And as usual, pare-parehas na mga nakahalukipkip.

Walang kamalay-malay ang mga estudyante na may mga multo sa harapan nila.

"Are you sure dito patungo 'yon?" tanong ni Lius kay Saimo.

"Yeah, I saw in her schedule, and I'm already aware of her name. She is Hesusa Arcilla," sagot ni Saimo na may ngisi sa kanyang mga labi.

"Hesusa? Ang weird naman ng pangalan niya," komento ni Jaem. Napahimas-himaw ito sa baba nito.

"Baduy kamo," bigla ay tinig ni Jelad.

Napatingin ang tatlo sa binatang minsanan lang kung magsalita. Sila man ay nasusurpresa kasi kapag nagsasalita si Jelad.

"Tss," reaksyon ni Jelad. Nauna na itong naglakad patungo sa likod ng classroom at umupo sa isa roong bakanteng upuan.

Nagkibit-balikat sa isa't isa sina Lius, Jaem at Saimo bago sila sumunod kay Jelad. Nagsiupuan din sila sa iba pang bakanteng upuan. Tabi-tabi silang nakaupo roon habang hinihintay si Hesusa.

"Just to remind you, guys. Walang gagawa ng katarantaduhan kay Hesusa, okay? Always remember that we need her, so we have to be kind at her. She shouldn't fear us if we want our plan to succeed," paalala ni Jaem nang minuto na ang lumipas ay wala pa ring dumadating na Hesusa. Siguro ay nagkandaligaw-ligaw pa rin ang dalaga at ang kaibigan sa paghahanap sa classroom.

UNANG PLANO: Kaibiganin si Hesusa!

"Ba't ang tagal niya?" inip na wika ni Lius.

"Sunduin ko na lang kaya?" Taas ang isang kamay ni Saimo. Nagpepresinta ulit.

Wala nang nakasagot kay Saimo dahil nakita na nilang pumasok sa classroom ang hinahintay nilang dalaga.

"Doon tayo sa likod, besh." Hila ni Cloria kay Hesu.

Ayaw sanang magpahila ni Hesu dahil napansin na niya ang apat na binatang nakaupo sa gustong upuan nila ni Cloria. Nakakunot ang noo niyang napatitig siya sa mga ito isa-isa. Ngayon man niya malinaw na nakikita ang mukha ng apat ay sigurado siyang sila ang mga multo noong enrollment.

"Tara, besh?" Hinila ulit siya ni Cloria nang hindi siya tuminag. Walang kamalay-malay ito na may mga nakaupong mga multo roon.

"Dito na lang tayo," mabilis na turo niya sa dalawang upuan na bakante rin para maiiwas si Cloria sa apat na multo na hindi nito nakikita.

"Ah, sige" Umupo na si Cloria.

Siya ay saglit na nanatiling nakatayo dahil takang-taka siya sa mga multo. Paano ba naman kasi ay ang tamis ng mga ngiti ito sa kanya.

Eh?

Nag-pout siya. Sa totoo lang, ngayon lang niya nalaman na ngumingiti rin pala ang mga multo. Seryoso.

Pasimpleng siniko ni Jaem si Jelad dahil ito lang ang hindi nakangiti kay Hesusa.

Napilitan na rin si Jelad na ngumiti. Ngiting aso nga lang.

Napangiwi na si Hesu. Sa isip-isip niya ay ano kayang nakain ng mga multong ito at mukha silang tanga?

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon