Part 25

688 35 11
                                    

"Saan ka galing, dude?" tanong agad ni Saimo kay Jelad nang lumitaw si Jelad sa rooftop.

But Jelad didn't bother to answer. Sa halip ay nakapamulsa na lumakad siya sa paborito niyang spot na railings, tahimik na umupo. Parang wala siyang naririnig na naman.

Nagkatinginan naman sa isa't isa sina Jaem, Saimo at Lius ng makahulugan. Sumidhi ang pagdududa nila sa kaibigan nila ngayong nakita na nila after how many hours na paghahanap nila. At hindi nila masisisi ang isa't isa dahil lahat na kasi yata ng parte sa campus ay napuntahan na nila kanina para i-check kung naroon si Jelad, pero wala. Wala talagang Jelad.

Naisip nila na mukhang tama ang hinuha ni Saimo na wala kanina sa campus si Jelad.

"Dude, nakakalabas ka ba rito sa Sanchi College?" hindi nakatiis na pang-uusig din ni Jaem nang wala na talaga silang mahintay na imik ni Jelad. Naglaho at lumitaw ito sa tabi ni Jelad. Nakitabi ng upo.

"Tss!" tipid na reaksyon lamang ni Jelad. Nakatuon na naman ang tingin sa kawalan.

Lumitaw rin si Lius sa kabilang tabi Jelad. "Hinanap ka namin kanina pero wala ka. Where have you been?"

"Impossible na nandito ka lang sa campus, dude, dahil sinasabi namin sa iyo kahit saan ay hinagilap ka namin," giit ni Saimo sa naiisip na kayang lumabas si Jelad sa campus. Hindi tulad nila na kahit ano'ng gawin nila ay hindi na yata sila makakalabas.

"I was in the chapel," at last, Jelad answered.

That made the three mute. Wala na sa tatlo ang nakaimik o nakakuntra. Si Saimo ay nanlaki ang mata, habang si Lius ay napakamot ng batok, at si Jaem ay napailing.

Nang magkatinginan ay naunawaan nila agad na wala sa kanila ang napadpad sa chapel ng Sanchi College. Kasi naman, ever since, hindi sila nagpupunta sa parteng iyon ng school. Iisipin pa lang nila ay para na silang tatamaan ng kidlat.

"Ikaw talaga, Saimo," paninisi na ni Jaem kay Saimo. Naisip ni Jaem na kasalanan ni Saimo kung bakit napag-isipan nila ng masama si Jelad. "Sorry, dude," saka sabi kay Jelad at naglaho na. Ito ang unang nahiya dahil sa inasal nila.

"Aisst!" Pati man si Lius ay naglaho na rin. Dismayado rin kay Saimo.

Napanganga si Saimo na naiwan. At dahil wala namang masabi at saka nahihiya rin kay Jaem ay nagpasyang maglaho na rin.

Wala silang kaalam-alam na napangisi si Jelad nang wala na sila, pagkatapos ay nakahinga ng maluwag. Buti na lang at nakalusot siya. Hindi pa talaga ito ang panahon para malaman ng mga kaibigan niya na nakakalabas siya ng school.

Mas disidido na siyang tulungan ngayon na makalaya muna ang tatlo niyang barkada bago siya gumising, ngayong nandito na si Hesu.

He folded his hand over her chest, and again he heaved a deep sigh. Sinamantala niya ang pag-iisa niya sa rooftop at ang katahimikan para mag-isip. Sa ngayon ay doon muna siya, hindi muna siya aalis at baka magduda ulit ang tatlo niyang barkada.

Sumapit ang umaga. Nagulat na lang si Jelad nang mula sa kaniyang kinatatayuan ay natanawan na niya si Hesu. Ang aga kasi ng dalaga na pumasok.

Palinga-linga si Hesu.

Pinanood niya muna ito. Tiningnan kung ano ang gagawin. Subalit ilang minuto na ang lumipas ay naroon pa rin ang dalaga sa entrance ng campus at palinga-linga. Wari ba'y may hinihintay. Nang hindi makatiis ay naglaho siya at lumitaw sa harap ni Hesu. Nag-alala na rin kasi siya na baka biglang lumitaw ang grim reaper at samantalahin na kunin na ang buhay ni Hesu.

"Ay, palaka!" Gulat tuloy ang dalaga.

"Bakit ang aga mo? At bakit parang may hinihintay ka?" nakapamulsa niyang tanong.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon