"Totoo ang sinabi ni Jelad, Hesusa. You might have been a lost soul like us by now if we hadn't helped you," pagpapatotoo ni Saimo sa sinabi ni Jelad. Tinabig nito ang mga kamay nina Jaem at Lius na tumatakip sa bibig nito.
Napakasamang tingin ang iginawad ni Hesu sa nagsalitang binata bago kina Jaem at Lius. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nila. Heller?! Ang lakas-lakas kaya niya. Wala siyang kasakit-sakit at ang bata-bata niya pa para kunin agad ni Lord.
"Kayo tigil-tigilan niyo ako, huh! Kung ayaw niyong ma-double dead!" pagbabanta na niya sa mga ito. Idinuro niya ang mga ito isa-isa pagkatapos kunwari ginilitan niya ang leeg niya gamit ang hintuturo niya.
Napangiwi na lamang ang mga binata, maliban kay Jelad na wala pa ring karea-reaksyon.
"Saka pwede ba, huwag niyo ako nililinlang dahil alam ko! Kayo ang gustong pumatay sa 'kin!" singhal pa ni Hesu na pumanaywang.
"That's not true," kontra agad ni Jaem. "Ang totoo ay ayaw ka naming mamatay dahil kailangan ka namin. Sinabi ko na kanina we need your help so bakit ka namin papatayin?"
"Yeah, inilalayo ka nga namin sa grim reaper, eh, kasi sinusundo ka na niya. Kaya maniwala ka sana sa amin," with a deceptive calm, Lius added.
"Oo nga kahit na puwede naming ikapahamak dahil kinakalaban namin ang grim reaper," dagdag din ni Saimo.
Hindi agad nakaalma si Hesu. Natigilan ulit siya. At ayon sa obserbasyon niya sa mga binata habang nagsasalita ay parang hindi sila nagsisinungaling. Walang kababakasan na nagti-trip lang sila ngayon dahil napakaseryoso nila.
"Hesusa, we know that what we're saying is hard to believe, but please trust us. Totoo lahat ng sinasabi namin. Naaala mo 'yung muntik ka nang mabagsakan ng gamit n'ong mga karpentero? Alam mo bang dapat mababagsakan ka noon, buti na lang naitulak ka nina Lius at Saimo. Iyong pagkalaglag ng ceiling fan, naalala mo? Alam mo bang dapat malalaslas ang leeg mo noon. At saka 'yung muntik ka nang matumba? Alam mo bang dapat mababagok ang ulo mo noon pero buti naagapan ka ni Jelad. Lahat 'yon dapat oras mo nang mamatay, Hesusa," pagpapaliwanag na ni Jaem.
Napatingin si Hesu kay Jelad.
"Pfft!" tila ay dismayadong reaksyon naman ni Jelad. Naglaho ito at nang lumitaw ay nasa may paboritong upuan na naman nito, sa harang na semento ng rooftop. Kumakampay-kampay ang paa ng binata habang nakatanaw ito sa malayo. Wala na naman pakialam.
"At sa library rin, kung hindi ako dumating at napigilan ang bookshelf na matutumba dapat napisa na iyang katawan mo," dagdag ni Lius.
Nakagat ni Hesu ang kanyang labi. Naalala niya ang mga 'yon. Saka paano niya makakalimutan lahat 'yon, eh, ilang araw pa lang naman ang lumilipas? Pero imposible talaga na katapusan na niya. Ang iksi naman ng panahon niya rito sa lupa? It can't be! Ang dami pa niyang gustong gawin sa buhay niya!
"Oo, Hesusa, kaya dapat maniwala ka sa amin kasi—" pagpapatuloy pa sana ni Jaem.
Hindi lang naituloy ng binata ang sinasabi dahil iniharang niya bigla ang palad niya para pigilan ito sa pagsasalita "Hep! Stop!"
Tumigil nga si Jaem.
Napabuntong-hininga si Hesu ng malalim at binigyan niya ulit ang mga ito isa-isa ng masamang tingin.
"Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko," at umpisa na niya sa litanya niya. "Sorry dahil kahit ano'ng sabihin niyo ay hindi ako maniniwala sa inyo. Adik lang ang maniniwala sa mga sinasabi niyo. If I know tactic niyo lang lahat 'yan para sa sinasabi niyong kailangan niyo ng tulong ko. And sorry ulit dahil wala talaga akong kabalak-balak na tulungan kayo. F. Y. I, ayoko na ginagamit ang kakayahan ko. Ayoko ko nga ng third eye na ito, eh, kaya asa pa kayo na gagamitin ko. Kung ako sa inyo maghanap na lang kayo ng iba na pwedeng tumulong sa inyo. Not me! Utang na loob!"
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...