"Ano na naman 'yon, Hesu? Gumawa ka na naman ng eksena? Ang aga-aga pa!" Nagpapadyak si Cloria at nagulo-gulo nito ang buhok. Tila ba'y mapapraning na ito sa pinagagawa ng kaibigan.
Lumaylay naman ang mga balikat ni Hesu. Napakamot-ulo siya. Gusto na niya talagang magkuwento kay Cloria pero paano ba?
"Hindi ka ba nahihiya? Pati si Hardy nasaktan mo na, oh?"
She expressed disdain with a scoff. "Besh, 'yung Hardy na iyon ang may kasalanan. Inakbayan niya ako kaya inapakan ko siya sa paa. Tapos tinulak niya ako."
"Anoooo?! Inapakan mo siya sa paa?!" Nahintakutan ang mukha ni Cloria.
"Feeling close kasi ang lalaking 'yon. Ang yabang-yabang pa. Akala yata niya, lahat ng babae ay magkakagusto sa kanya. Kadiri si— aray!" Sinabunutan siya ni Cloria kaya napa-stop siya sa paglilitanya.
"Tama na. Huwag mo na siyang siraan. Friendly lang siya kaya gano'n siya. Masyado kang mapanghusga, besh. Pasalamat ka nga napapansin ka niya, eh. Nagseselos na nga ako sa'yo, eh." Ang taas ng naging halukipkip ni Cloria.
Napangiwi naman si Hesu. Hanggang ngayon ba naman ay hinahangaan pa rin ni Cloria ang lalaking 'yon? Jusko naman!
"Iyong-iyo siya kung gusto mo," humalukipkip din niyang sabi.
Ang haba-haba ng nguso ni Cloria na kinalkal ng shoulder bag nito tapos ay may inabot ito sa kanyang papel. "Ayan. Sumali tayo riyan para mas makilala mo nang husto si Hardy. At para hindi mo siya nahuhusgahan."
Kusot ang mukha niyang tiningnan ang papel na kulay itim. Flier pala iyon nang kanyang basahin. At isa iyong pag-aanyaya sa mga gustong sumali sa PARANORMAL CLUB ng campus. Open na raw ang club sa mga gustong sumaling estudyante. May kakayahan man o wala tungkol sa mga multo ay taos-pusong tatanggapin daw sa club basta may interes sa mga paranormal activities.
"Sali tayo d'yan dahil 'di nila alam ay si Hardy Evete ang president diyan. Sekretong malupit, pero may nakapagsabi sa akin," ani Cloria. Hindi na galit, kinikilig na.
Awtomatikong naibalik ni Hesu ang papel na itim na 'yon sa kaibigan. "Ayoko. Ikaw na lang."
"Hesu, magandang sumali rito dahil madami tayong matututunan."
"Ayoko ng mga ganyan. Takot ako sa mga multo," pagsisinungaling niya.
"Sinungaling. Lagi ka nga noong nagbabasa sa library ng dating school natin about sa mga ghosts? Akala mo 'di ko alam, ah," ngunit pambubuking sa kanya ng kaibigan.
Napamaang siya. Hindi niya alam na alam pala ni Cloria iyon, na ang lagi niyang binabasa ay mga horror books.
Lihim siyang nagri-research about sa nakabukas niyang ikatlong mata noon. Sa mga libro niya noon inaalam ang tungkol sa kanyang third eye dahil wala naman siyang mapagtanungan na tao.
"Aminin mo dahil alam ko mahilig ka sa mga ganito. Kaya sumali na tayo."
"Ano naman ang mapapala natin diyan?" wala pa ring interes ang tono ng kanyang tanong.
"Ay, di makakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa mga multo. Higit sa lahat ay makikilala natin nang husto si Hardy Evete," pagmamalaki ni Cloria.
Ayun! Lumabas din ang totoong interes ng kanyang kaibigan sa club. Ang mapalapit lang sa lalaking mayabang na iyon.
Inirapan niya si Cloria ng bonggang-bongga kaysa ang magsalita.
Napahagikgik at nag-peace sign naman sa kanya si Cloria.
Nakarating na sila sa classroom ng unang subject nila kaya tumigil na sila sa pag-uusap. Subalit nang matapos ang subject na iyon ay bigla siyang hinila ni Cloria palabas. Nakipag-unahan pa sila sa mga kaklase nila na lumabas sa pinto.
"Sorry nagmamadali lang," paumanhin ni Cloria sa isang umangal sa kanila.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Hesu rito na nagpapahila lamang.
"Sa paranormal club. Baka maunahan tayo," sagot ni Cloria na hindi tumitingin sa kanya.
Nakusot ang mukha ni Hesu. Aangal dapat siya at hihilain ang kamay niya, pero kasi ay nakita niya sa unahan ang apat na multong binata na nakatayo at nakasandal sa may pader ng hallway kaya nagpatianod na lamang siya. Nabahala siya na baka may gagawin na naman ang mga ito sa kanya, lalo't nakatingin ang mga ito sa kanya.
Ano kayang problema ng mga multong ito? Pakiramdam niya kasi ay sinusundan siya lagi, eh.
Pumikit na lamang siya at nagyuko ng ulo nang tumapat sila ni Cloria sa mga ito. Ang seste para pang naging slowmo ang kanyang pakiramdam. Nagdasal na rin siya na sana walang mangyayari sa kanyang masama. Kaya nang makalampas sila ni Cloria sa mga multong binata na ligtas siya ay parang naalisan siya ng maraming tinik sa dibdib. Lalo na nang lumiko na sila ni Cloria.
"Did you feel weird or something?" tanong ni Jaem sa tatlong barkada.
"Wala naman. Mukhang ligtas si Hesusa sa araw na ito dahil walang paramdam ang grim reaper," ani Lius.
"We're not sure yet," wika naman ni Saimo. "Alam niyong bigla-bigla na lang sumusulpot ang grim reaper."
"You have a point, Saimo. We shouldn't be complacent. Dapat ay sundan ulit natin siya at kapag makatyempo tayo ay kausapin na rin natin siya," sang-ayon ni Jaem kay Saimo.
"Bakit ba kasi ang taray at ang ilap ng babaeng 'yan?" Kamot sa ulo si Saimo. "Daig pa niya si Ri—"
Siniko ito ni Lius kaya napatigil si Saimo sa pagdadaldal.
Napatingin silang tatlo sa as usual ay tahimik na si Jelad.
"Tss!" reaksyon lamang ng tamad magsalitang binata.
"Come on, sundan na natin si Hesusa," pagwawala ni Jaem sa masilang usapan na iyon.
Naglakad ang apat na binatang sinundan si Hesusa. Ngunit anong gitla nila nang makita nilang pumasok si Hesusa at Cloria sa maliit na office nang Paranormal Club.
"No way," ani Lius.
"Oh, no," saad naman ni Saimo.
"Damn," mas na-stress namang naibulalas ni Jaem.
Simpleng iling naman si Jelad.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...