"Napansin niyo na rin bang kanina pa wala si Jelad?" tanong ni Lius. He roamed his eyes around the rooftop. Kalilitaw lang nilang tatlo roon.
"Parang hindi niyo naman 'yon kilala," walang ganang wika ni Jaem. Tinungo nito ang paboritong spot. Doon sa sulok na tabi ng pinto. Pa-Indian seat itong umupo roon. Humalukipkip at isinandig ang likod sa pader saka pumikit. Simula ganoon na sila na mga multo ay sa ganoong posisyon na ito nare-relax. Parang nagme-meditate lagi.
"Actually, mga dude, matagal ko na 'yong napapansin," sabi ni Saimo. Umupo naman ito sa trono nito. Ang ibabaw ng malaking drum na kulay asul.
"Paanong matagal?" panlilinaw na tanong ni Lius dito. Nakahiga naman na ito sa sementong barandilya ng rooftop. Ginawang unan ang dalawang kamay. Pinanood nito ang maaliwalas na langit.
"Matagal ko nang napapansin kako na kapag wala siya, eh, parang wala talaga siya rito sa campus," sagot muna ni Saimo.
Napamulat ng mga mata si Jaem. Napaupo naman sa barandilya si Lius. Parehas na silang napatingin kay Saimo. Tingin na nag-aantay pa nang mas malinaw na paliwanag nito. They detected something suspicious.
"Eh, kasi..." Napakamot muna sa ulo si Saimo, "kasi minsan hinahanap ko siya 'pag may sasabihin ako or trip ko lang at hindi ko siya makita. As in kahit saan."
"Nililibot mo ba ang buong school? Lalo na sa mga hindi mataong lugar?" paniniguro pa rin na tanong ni Lius.
"Yeah right. Knowing Jelad, eh, mahilig talaga 'yon sa lugar na mahirap hanapin o 'yong walang katao-tao. Remember, siya ang nagka-idea rito sa rooftop na manatili tayo kapag class hour para hindi tayo nagagambala ng mga estudyante and at the same time hindi rin tayo nakakaabala sa kanila," pagpapaalala ni Jaem.
"Nah!" Saimo shook his head widely. "Believe me. Ilang beses ko nang sinubukan hanapin siya kapag napapansin kong nawawala siya. And cross my heart, mga dude, I checked him kahit pa sa mga ladies comfort room. Pati na sa Dean's Office or sa Faculty Office na imposibleng pagtambayan niya pero wala siya. Kahit nga sa taas ng mga puno, eh, chineck ko, eh."
"Sure ka?" Halatang alangan pa rin si Lius.
"Of course, I am!" tiwala sa sinasabing tugon ni Saimo.
"Kahit sa mga Janitor's Quarter at Security Office?" tanong ni Jaem.
Tumango si Saimo.
"Sa laboratory?" tanong ni Lius.
Tango ulit si Saimo.
"Sa mga iba't ibang club room?" tanong pa ni Jaem.
Tango na naman si Saimo.
"Lahat ng mga classroom?" tanong ulit ni Lius.
Napangiwi na si Saimo at mukhang nainis. "Oo sabi! Lahat nga! Pati mga locker room chineck ko pero wala talagang Jelad! Para bang—" Sinadyang binitin nito sinasabi. Napahawak ito sa baba nito at hinimas-himas.
"Para bang ano?" nabiting tanong ni Jaem. Napatayo ito sa pagkakaupo.
"I'm unsure kung tama bang sinasabi ko ito, pero kasi noon ko pa napapansin hindi ko lang masabi sa inyo kasi gusto ko sana kayo rin ang makapansin," Saimo said, sounded perplexed.
"Speak it up, Saimo," atat na saad ni Lius.
"Feeling ko nakakalabas si Jellad dito sa Sanchi College," Saimo said confidently.
"What?!" Jaem and Lius exclaimed in chorus.
ON THE OTHER HAND,
"Talaga?!" gitla na naibulalas din ni Hesu. Hindi rin siya makapaniwala sa pinagsasabi ni Jelad.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...