Part 5

1.6K 89 0
                                    

"Guys, ano na? What's the next move?" atat na tanong ni Saimo sa mga kaibigan. He stands between Lius and Jaem. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito dahil kanina pa sila walang ginagawa.

Nasa kalagitnaan na kasi sila ng klase ay wala pa sailang anumang kilos para kaibiganin si Hesusa. Para na tuloy silang kasama sa klase. Lalo na si Jelad, dahil parang nakikinig talaga ito sa nagdi-discuss na guro. Napapangiwi talaga si Saimo kapag napapatingin siya sa kay Jelad.

"Oo nga. Nakakainip na." Lius expressed his dissatisfaction as well.

"I don't know. I have no idea yet. Ang alam ko lang ay kaibiganin siya, but I don't know how. Alam niyo naman na noong nabubuhay tayo ay mailap ako sa babae," tugon ni Jaem. "Jelad, baka may ideya ka kung pa'no siya i-approach? Ikaw ang may niligawan noon na babae, 'di ba?" tapos ay paghingi ng saklolo nito kay Jelad.

"Ay oo nga, Jelad. Gawin mo kaya sa kanya ang ginawa mong the-moves noon kay Riyo," Lius agreed with excitement.

Noong nabubuhay kasi sila ay puros katarantaduhan ang ginawa nila sa mga babae o mga kapwa nila estudyante. Hindi sila naging mabait. Wala silang pakialam sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanila. Pinaninindigan nila talaga noon ang pangalan ng barkada nila na 'The Badboys'. Hinahayaan nilang humanga ang mga babae sa kanila, pero mga hindi pinapansin. At 'pag may nagpilit, ipinapahiya nila. Iilan lang ang nagugustuhan nila na hindi naman nila niligawan dahil isang kindat nila sa babae ay syota na nila.

Nahihirapan tuloy sila ngayon kung paano amuin si Hesusa. Wala silang alam paano makipagkilala or paano makipagkaibigan sa isang babae.

Gumawa man sila ng first plan pero ay iyon lang. Kumbaga sa isang nobela ay title pa lamang ang naisip nila at walang plot. Wala man lang silang ideya kung papaano ang magiging flow ng first plan nila na iyon. Blangko!

"Sure?" Nagdugtong ang mga kilay ni Jelad na tumingin sa kanilang tatlo. Ganito talaga ito noon pa, tahimik. At kapag nagsalita naman ay isa-isa lang talaga. A man of few words

Sabay-sabay na tumango ang tatlo kay Jelad.

"Gawin mo sa kanya ang ginawa mong pang-aagaw mo ng pansin noon kaya Riyo, dude," cheer pa ni Saimo na may kasamang tapik sa balikat ni Jelad.

Jelad rubbed his chin. Sa isip niya ay, sigurado ba ang mga ito na gagawin niya ang ginawa niya noon kay Riyo? Sa dalagang, minsan ay niligawan nga niya ngunit gawa lamang iyon ng pustahan nila.

"Sige na, dude," pagpipilit ni Saimo.

Nagkabit-balikat si Jelad. Tapos ay tumingin na siya kay Hesusa. Okay, sabi nila, eh! At tumayo na siya.

Apiran sina Saimo at Lius. Tuwang-tuwa sila dahil sa wakas nautusan din nila ang suplado nilang kaibigan. . Ngumisi naman si Jaem.

Subalit sabay-sabay na nalaglag ang mga panga ng tatlo nang lumapit nga si Jelad kay Hesusa. Bigla ba naman kasing binatukan ni Jelad ang dalaga.

"Problema mo?!" angil agad syempre ni Hesu sa malakas na boses.

"Sh*t!" Nagtayuan agad tatlong binata at agad nagsilapitan kay Jelad at mga naglaho na.

Nabahala naman si Hesu. Napansin na niya kasi na nakatingin na sa kanya ang mga bagong kaklase niya. Takang-taka ang mga ito sa kanya.

"Miss Arcilla, is there an issue or concern that needs attention?" usisa rin ng prof nila na napatingin sa kanya.

"None, Miss. Sorry po." Hiyang-hiya siya na nagyuko ng ulo. Demonyong mga multo na 'yon! At mga nananakit pa pala hindi lang mga pagala-gala! Asar!

"Hesu, okay ka lang?" pabulong na tanong naman sa kanya ni Cloria nang umupo siya.

Nakangiwing tumango siya sa kaibigan. Pulang-pula na ang kanyang mukha.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon