"Excuse me." Yukong-yuko si Hesu na patungo sa exit door ng library. Wala na rin ang mga binatang multo. Mga kusang nagsipaglaho na nang nagmumukha na naman siyang tanga dahil sa pakikipag-usap niya sa mga ito.
"Grabe! Takas nga talaga yata ang babaeng 'yan sa mental. Siya rin 'yong nagsayaw, eh," narinig niyang sabi ng isang estudyante.
"She's so pathetic," sabi pa ng isang estudyante.
"Baka papansin lang," sabi naman ng isa.
Sa kanyang narinig ay gusto na sana niyang lamunin na lang ng lupa. Nakakahiya na talaga. Gayunman, hindi naman niya masisisi ang mga kapwa estudyante. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang makikipag-usap sa hangin? At magsasayaw na lang bigla. Aisst!
Ang bilis-bilis niyang nilisan ang library at diretsong uwi na. Saka na lang niya kakausapin ang apat na binatang multo. At pasalamat niya dahil hindi naman siya sinundan. Nakalabas siya sa school na hindi na naman nagmumukhang tanga at buhay pa.
Habang naglalakad siya pauwi ay naalala niyang dapat ay patay na pala siya ngayon. Kung hindi lang siya inililigtas ng apat na multo na mga iyon. Grabe, nakakakilabot isipin. Ngayon niya napagtanto na dapat nga pala talagang hindi sinasayang ang bawat minuto habang humihinga pa. Dapat nga pala talagang ipagpasalamat kay God kapag sa kinabukasan ay gigising ka pa na humihinga.
Nga lang ay napangiwi siya nang maisip din niyang ang parang kapalit ng buhay niya ay lalabas siyang parang tanga dahil sa pagtulong niya sa apat na multong tumutulong din sa kanya.
"Bakit ba nangyayari 'to sa 'kin?" bulong niya sa sarili. "Ang saklap naman!"
Nakarating siya sa bahay nila na parang wala siya sa sarili niya at parang pasan niya ang mundo dahil sa mga laylay na mga balikat niya. Umupo siya sa sopa nilang luma at tamad na tamad niyang tinanggal ang kanyang sapatos.
"Anak, bakit ngayon ka lang dumating?" tanong ng mama niyang sumilip sa kanya mula sa kusina. Naamoy niya ang pritong galunggong kaya alam niya agad na nagluluto na ang mama niya ng dinner nila.
"Nag-research pa kasi ako, Ma," sagot niya na medyo malakas ang boses para marinig ng mama niya.
"Gano'n ba. Gusto mo bang magmeryenda? May tinapay rito."
"Mamaya na, Ma," tugon niya. Animo'y pagod-pagod siyang inihilata ang katawan sa sofa. Napatitig siya sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang apat na binatang multo. Paano ba niya sila matutulungan? Hay!
Lumabas ang mama niya sa kusina. "Okay ka lang ba, anak?"
Tumango lang siya ng marahan.
"Sigurado ka? Kasi nag-alala ako sa inyong magkapatid," sabi ng mama niya dahilan para tumingin siya rito. Nakahawak ng sandok ang mama niya at naka-apron. May niluluto pa sigurong ibang ulam.
"Bakit naman, Ma?"
"Eh, kasi gabi-gabi na lang na napapaniginipan ko 'yong nabubunot lahat ng ngipin ko." Nahimas-himas ng mama niya ang sariling mga braso nito. "Eh, masamang pangitain daw 'yon. May mamamatay raw 'pag gano'n, eh."
Hindi namalayan ni Hesu an napanganga na siya sa mama niya. Naalala niya ang pagkagat ng mama niya ng sandok. Kung ganoon hindi lang nag-iinarte ang mama niya. Takot na nga talaga ito sa mga panaginip nito.
Pero napangiwi siya nang kagatin nga ulit ng mama niya ang sandok. Yuck!
"Hindi ko alam ang mangyayari sa 'kin kapag may nangyari ngang masama sa inyo ng kuya mo," sabi pa ng mama niya na mangiyak-ngiyak.
Naramdaman niyang nagtaasan ang mga balahibo niya sa braso. Kung ganoon totoo nga ang pamahiin na iyon dahil napapangitain na pala ang mama niya ang pagkamatay niya sana kung hindi sana siya nailigtas ng mga 'The BadBoys.'
Nangilid ang kanyang mga luha. Nakakatakot naman.
"No! Ayaw ko pang mamatay!" aniya sabay ang padabog na pagtayo.
"Ano'ng sabi mo, anak?" nagtatakang tanong tuloy sa kanya ng mama niya.
"W-wala po, Ma. Magpapahinga lang po muna ako." Pagkasabi niya n'on ay nagtatakbo na siya paakyat sa kanyang kuwarto. Grabe ang kabog ng dibdib niya. Hingal na hingal siyang napasandal sa dahon ng pinto ng silid niya pagkatapos niyang isara iyon ng marahas.
"Ayaw! Ayaw ko pa talagang mamatay pa!" pagkatapos ay takot na takot niyang sabi ulit. Nakagat niya ang hinlalaking daliri niya na napaisip. "Ano'ng gagawin ko?"
"You can never stop it."
"Huh?!" Sobrang gulat niya sa biglang nagsalita na lalaki. Namimilog ang mga mata niyang tumingin-tingin siya sa paligid ng kanyang kuwarto. Nasundan ba siya ni kamatayan dito sa bahay nila? Pero bakit gano'n? Ang sabi ng apat na multo ay sa school siya mamamatay kaya doon lang dapat siya susunduin ng grim reaper. Ang daya naman yata!
"S-sino ka?" Natatakot man ay lakas-loob niyang tanong habang malikot pa rin ang kanyang mga mata. Ang isang kamay naman niya ay pasimpleng humawak sa doorknob. Balak niya ay tatakbo siya kapag nakakatakot ang hitsura ng grim reaper. Tatakas siya oras na pipigtasin nito ang kanyang leeg.
Napangiwi't napalunok siya saka napahawak ang isang kamay niya sa leeg niya sa naisip niya. Uso pa ba ang karit na ginagamit ng mga grim reaper ngayon? Ang sakit naman n'on, pugot ulo talaga?
Napatuwid siya ng tayo at mas tumindi ang takot niya nang humangin na ng napakalamig. Hindi siya takot sa mga multo pero iba naman si kamatayan syempre.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata ng mariin at nagdasal na lamang. Alam naman niyang hindi nga niya matatakasan ang kanyang wakas. "Lord, kung ito man na ang katapusan ko. Wala na po akong magagawa. Sana lang madali lang matatanggap ni Mama at Kuya ang pagkawala ko kung sakali. Ayoko po silang mahirapan sa matinding kalungkutan. Iyon lang po ang huling hiling ko, Lord. Salamat po."
Katahimikan. Wala namang ganap pa. Pero ramdam na niya may nilalang sa kanyang harapan. Gusto naman niya sanang magtatakbo at tumakas pero ayaw kasing makisama ang katawan niya. Tila ay nasemento na siya sa kanyang kinatatayuan gawa ng kanyang matinding takot.
Now she knows, ganito pala ang pakiramdam nang mamatay na. Feeling mo ay paralisado lahat ng katawan mo tapos... tapos parang natatae ka lang.
Toinks!
Pero totoo, iyon talaga ang pakiramdam niya ngayon. Para siyang matatae at maiihi sa nerbyos na hindi makakilos.
"Tapos po pakitulungan na rin po sina Jaem, Lius, Saimo at... at sige po pati na rin 'yong supladong walang pakilaam na tamad na magsalita at walang pakisama na Jelad na iyon. Kahit na ang sarap pong pilipitin ang dila niya—"
"What the fuck!" interrupt kasi ng boses ng nasalita kanina kaya napatigil siya sa pagdarasal.
Nakapikit man ay makikita ang pagtataka at shock sa mukha ni Hesu. Si Kamatayan Englisero? Eh?
Ay, sabagay nga pala hindi lang naman Pilipino ang tao dito sa mundo. Siguro nag-aral talaga ng iba't bang lenggwahe ang grim reaper para 'pag nanunundo sila sa ibang bansa ay nakakaintindi. Tama. Hindi na 'yon nakapagtataka pala.
"Hesusa, stop that! We need to talk!" sabi ulit ng boses ng naiinis nang boses.
Lalong napakunot ang nakapikit na si Hesu. Bakit parang pamilyar na sa kanya ang tinig ng grim reaper?
Napamulat na siya ng mata at halos malaglag ang panga niya sa nakita niyang lalaki sa harap niya.
"Jelad?!" at hindi makapaniwalang naibulalas niya.
Jelad simply rolled his eyes.
"Teka, ikaw ang grim reaper?!" naibulalas pa ng hindi makapaniwalang si Hesu.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...