"'Yung totoo, Jelad? Hindi mo ba talaga alam ang pagpapanggap ni Riyo na pangit?" naninigurong tanong ni Jaem kay Jelad.
Naghintay sila ng sagot mula sa binata, pero mukhang ayaw na ulit magsalita ito.
Napakamot sa sariling batok niya si Hesu. Parang mayro'n siyang hindi malasahang pagkain sa bunganga niya. Iba talaga 'tong Jelad na 'to. Ibang klaseng nilalang. Sayang ang dila. Jusko!
"Hey, dude, we're asking you. We need to know." Mukhang naiirita na si Lius dahil iba na ang tono nito.
Subalit wala talaga. Nakatingin pa rin lang sa malayo si Jelad.
"Nah. Hindi na 'yan magsasalita," sabi ni Saimo sabay taas sa dalawang kamay at talikod. Iiling-iling na itong lumayo. Nagpunta sa paborito na naman nitong upuan na drum.
"Dude, kailangan ni Hesusa ang mga alam mo tungkol kay Riyo. Please speak up," pagpipilit pa rin ni Jaem kay Jelad. Hinaklit nito ito sa braso ang kapwa binata. Subalit bigla ay naglaho si Jelad. "F*ck you, dude!"
"Wala na. Tumakas pa. Wala na talaga tayong aasahan do'n," wika ni Lius. Kakamot-kamot ito sa noo.
"Sa'n ba kasi pinaglihi ang kaibigan niyong 'yon? My gosh," komento naman ni Hesu na napamaywang.
Ang hitsura na nila ay parang nalugi na mga bombay kasi tinakasan ng mga pinautang.
"Sorry, Hesusa, pero sa tingin ko ay walang maitutulong ang nalalaman ni Jelad," nahihiyang hingi ng paumanhin sa kanya ni Jaem dikawasa.
Ikinampay ni Hesu ang kamay para ipakitang wala 'yon. May magagawa ba sila? Alangan namang pilipitin nila ang dila ng tamad magsalita na 'yon? Tsk!
"Okay lang. Huwag kayong mag-alala tutulungan ko pa rin kayo. Tutal nasa akin na ang konting impormasyon ni Riyo ay magtatanong-tanong na lang ako," tapos ay sabi niya sabay pakita sa cell phone niya.
"Pero, Hesusa, are you sure na may kinalaman si Riyo sa nangyari sa amin?" Lius asked curiously. Nasa tabi na ito ni Saimo nakaupo.
Nakangusong umiling ng marami si Hesu. "Sabi ko nga wala namang mawawala kung magsisimula tayo rito—" Nag-ring ang hawak niyang cellphone kaya natigil siya sinasabi niya. Pati man ang tatlong binata ay napatingin sa touch screen na aparato.
"Hello, Cloria?" Walang anu-anong sinagot niya iyon.
"'Asan ka na? Mag-uumpisa na ang klase natin," dumagundong na boses ng kaibigan niya sa kabilang linya.
Namilog ang mga mata ni Hesu. Oo nga pala may klase pa sila! Lagot!
Dagling pinatay niya ang cell phone niya't ibinulsa.
"Kailangan ko nang umalis. May klase pa ako. Mamaya pupunta ako sa library. Doon tayo magkita. Mga alas kuwatro. Gagamitin natin ang computer doon para mas malinaw nating mapag-aralan ang Facebook Account ni Riyo. Alis na ako." Pagkasabi niyon ni Hesu ay dali-dali na siyang umalis sa rooftop. Walang anuman na iniwanan na niya ang mga binatang multo.
"Mag-ingat ka. Alalahanin mo sinusundo ka ng grim reaper. Nasa paligid lang ng school ang kukuha sa buhay mo." Bigla na lang lumitaw sa baitang ng hagdan na tinatakbuhan niya pababa si Jaem. Nakahalukipkip ito.
Natigil siya paghakbang pababa at nginitian ang guwapong binata. Sayang ghost na ito.
Gayunman ay wala siyang sinabi. Tinanguan niya lang ito. Naiilang siya, eh. Saka ayaw niyang mag-isip ng kahit ano. Syempre concern lang ito sa kanya dahil siya ang susi para makawala sila sa tila sumpang pagkakakulong dito sa school. 'Yon lang 'yon. Wala ng iba.
Itinuloy na niya ang pagbaba. Nilampasan na niya ang binata. Kulang na lang ay laktaw-laktawan na lang niya ang mga baitang ng hagdanan para makarating agad siya sa 2nd floor ng building kung saan naroon ang kanilang classroom.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...